"You can never categorize or stereotype a region or a place.
People fall in love, period," Ang Lee said backstage.
"This is a universal story ... I just wanted to make a love story."
director of golden globe best pic, Brokeback Mountain
1.30.2006
1.29.2006
big boss(om)
i have a new work. neat.
but the disturbing part is, i think the Big Boss is girl-to-girl!
and because my gaydar's flashing all the lights in wangwang tune,
it's hard to see her the same professional way again.
everytime she talks to me or we're in a meeting,
the idea of shagging her keeps creeping in my mind!
*i'm in deep trouble!*
she's so tough and mataray to me.
but the more she wants me to fear her,
the more she gets stripped in my mind! :D
it is like a feeling of alternate reality.
she's the boss at work, but i'm her goddess in bed :D
ok, ok, this is more of a fantasy :)
she's kinda chubby, which can only mean ... bigger bosom!
and so each time i see her,
my gaze, as if pulled by gravity falls lower from her stern face down to her seemingly oh-so-soft *gulp!* breasts!
and the more she covers her body with suits and pants,
the more thrilled i am at the thought of what's underneath!
*i'm soo dead.*
ofcourse, no one knows at work that i dig womyn.
in my previous jobs, it used to be my ex-bosses having the hots for me.
ohdear, i think i have a theory.
is it because all my past bosses were men?!
and now, faced with a powerful womyn boss, the reverse is what's happening?
geez, come to think of it, this is my first time to work for a female boss.
ohgosh, that explains it.
Labels:
Women/Flirting/Dating,
Work/Career
1.18.2006
surviving nbi clearance
after soo many yrs, i had to get my nbi clearance.
hay, the price of going legal.
sabi ng kapatid kong pasaway, mabilis lang daw yun.
as in 1 hr lang daw!
sasamahan daw nya ko.
at shempre, dahil umiral na naman sa 'kin ang lapot ng dugo,
naniwala naman ako.
at ano pa nga ba, shempre, mali sha!
kelan ba naman may mabilis sa govt institution?!
at kelan naman gumising ng maaga ang kapatid kong tamad?!
so ito ang aking nbi ordeal.
first off, lrt route.
manageable ang pila, so keri lang.
baba daw sa carriedo.
ok.
pagdating ko doon, andaming anak-pawis!
as in amoy pawis din! ugh!
ako po'y aanga-anga sa mga masisikip na daan,
so super Q&A portion kme ng mga manong guard at manong pulis.
across the street, ayus! lapit lang lakarin.
*** diyan po nagwakas ang maganda kong disposisyon ng lunes ng umaga ***
sa daan pa lang papuntang nbi bldg, nagkalat na ang piracy!
in loud speakers pa ha. itaguyod ang piracy! battlecry ng underground economy.
pagtuntong na pagtuntong ko sa NBI Clearance bldg, sa baba pa lang ng escalator (bongga rin ha, may escalator), puno na ng tao, sa ungodly hr na 8:30am!
ang lola nyo ay nagsumiksik sa escalator at nakaabot ng 2nd floor.
meron dun matrona looking babaeng flat-chested na nagmamando sa pila.
okey fine, gumalang tayo ndi lamang sa nakakatanda, pati sa mukhang matanda!
"ate, san po yung dulo ng pila?"
"ano ka ba, renewal or registration?"
"registration po."
"ainako, hanggang labas na ang pila. sundan mo na lang yang paikot-ikot na yan."
ang sungeet!
ako'y makati girl, so ndi ako papatol sa isang carriedo oldie! amp!
sa madaling sabi, sinubukan kong hanapin ang dulo ng walang hanggan.
habang binabaybay ko ang prusisyong ndi umuusad, andaming nang-aalok na fixer.
"mahaba ang pila, gusto mo ng mabilis? 1hr lang."
"miss, kmi na lang mag-aayos ng papeles mo."
"nbi clearance ba? sunod ka sa min."
gosh! ganito pala feeling ng dinidimonyo!
andaming bumubulong sa 'yo,
habang nangangalay na paa mo kakalakad
at pinapawisan ka na sa sa inet.
may mga boyz na nakyutan siguro sa ken at pinapasingit ako.
ako'y matuwid na tao (err, sa prinsipy po, pro ndi po ako straight sa preference),
so tinaggihan ko ang indecent proposal ng gusgusing mama.
san ako napadpad, sa kakasunod ko sa pila?
tangenang pakshet, nakarating ako sa EXIT!!!
ang haba ng pila ay mula 5th floor pababa, hanggang sa labas na ng bldg!
omg!
isang oras na walang nangyayari.
isang timbang pawis.
isang kilong mikrobyo.
isang varicose vein na tumubo.
isang pulgadang libag sa balat.
isang tuyong lalamunan.
isang kamaong kabog sa dibdib
at isang phonecall.
firewomyn: "ndi ko na kaya dito..."
gf: "kaw bahala.. ingat ka dyan ha."
firewomyn: "opo."
gf: "sigurado ka na sa gagawin mo?"
firewomyn: "opo :( "
balik sa exit, kinaausap ang guard.
"manong, pag nagpafixer ba sigurado?
as in makukuha agad?"
"oo ma'am. gusto mo ibigay kita sa kakilala ko."
"sige. saan?"
lakad sa masisikip na pasilyo.
may kinausap ang guard.
pag tingin ko sa kausap nya na madaling lumapit sa kin,
tumambad sa kin, si matrona looking babaeng flat-chested na unofficial OIC ng pila.
omg again! ganito pala ang lumunok ng prinsipyo.
pakiramdam mo binebenta mo ang sarili mo sa dimonyo.
hay, this must really be hell...
i was guided sa gilid ng bldg, kung saan may opposing rows of chairs.
at doon tumambad sa kin ang dami ng taong tulad ko ay nagpailalim sa illegal na transaction.
nakakbigla din kung gaano sila kaorganize at kasigurado sa mga kilos na sila. sanay na sanay kumbaga.
P300 ang total na bayad sa fixer, on top of the P135 "official" processing fee.
ito ang "process":
1. pauupuin kayo.
2. hihingan ng id, to check your full name.
3. you will pay P125 for the registration form.
take note, lahat ito may resibo. kaya malinis.
4. aakyat ang representative ng fixers sa 4th floor, didretso sa mga kakutsaba rin nila na nbi employees. sa gitna ng pila, didiretso sila sa tao sa loob ng windows/counters.
right before the eyes ng mga nakapila ito ginagawa. *the nerve di ba?! kumbaga sa commercial ng vaseline, "ang KAPAL!"
5. pagbaba nila, dala na ang forms
6. ididistribute sa 'ming mga 'customers' ang registration form.
7. fifill-upan namin ang form.
para mabilis, pinapalagay na first time na maga-apply.
ndi na rin papalagyan ng nickname/alias.
8. iaakyat uli ng representative para pa-process sa mga nbi employees.
ang kaibahan ng form na ito sa ipinila ay, imbes na stamped ang OR #, ito ay in the form of a barcode sticker, pre-generated.
9. bababa uli ang rep, at ididistribute uli ang stamped forms namin.
at this point, hihingan na kme ng P300 pesos.
may kaunting briefing, para synchronized ang action pag-akyat sa taas.
a. susunod lang sa rep hanggang 3rd floor.
b. dadaan sa exit stairs.
c. pagdating sa 4th floor, dumiretso kme dapat sa window 5.
10. window 5 is verification part na ng form.
sa part na ito ng nbi clearance process, 10-15 people per line na lang.
*dito sa window na ito, habang papalapit na ko sa harap, ko nakita kung panong nagpapasingit ng mga papeles ang nbi employees. as in biglang paghihintayin ang mga nakapila, para "unahin" iyon.
11. window 6, finger and hand printing.
medyo mabilis na dito, kasi nakapagtatakang around 8-10 ang officials na naghahandle nito. samantalang sa mga windows kung saan pinakamahaba ang pila ay 3-5 tao lang.
sa window na ito (although wala namang window, kasi mga small tables lang ito w/ high chairs for the nbi employees), automatic na hihingan ka ng P2 para sa swipes, pamunas ng nadumihang kamay from the printing. ndi ito optional ha, kasi for a first timer, you'd think that it is part of the process talaga.
but the truth is, pde ka namang magdala ng pamunas. or dapat part ito sa free services ng nbi.
12. window 7, picture taking.
simple lang ito, pose ka lang, then shoot, kasi digital imaging.
ang nakakapikon kayua sya tumatagal is, humihinto ang nagpipicture, kasi may sisingit na naman na mga papeles na nde nagpersonal appearance, sa halip pictures lang na isscan sa nbi paper.
ambilis ng karma talaga, kasi yung ilan sa mga isiningit na papeles ay mga kasama ko sa baba. this works for renewals. syempre, ndi ako makapagreklamo kasi, kasama ko din sila na nakipagkutsaba sa fixer. victim din ako ng sarili ko. ansama ng pakiramdam.
13. next window, final process, inaalam na lang kung may kapareho ka ng name or may kaso ka. at kamalas-malasan nga naman, napaka-unusual na ng name ko, may kaduplicate pa! o, sumpa ng karma! at kahit anong pilit ko na ipadouble check, ndi nila gagawin. single-minded approach lang sila. hay.
sa madaling sabi, i have to go back after 3 days! it's hell all over again.
so much for paying fixers di ba?!
siguro ito na ang kabayaran sa ilang taon kong ndi pagrerehistro.
parusa na naman. hayy...
to earn good karma points, here are some:
survival tips at nbi clearance:
1. information is the key!
talk only to official nbi employees, only those behind the window counters.
2. never go there on a monday. friday is the best day to go.
pinakakonti ang tao, promise :)
3. call the ofc before goin there.
clarify, if you are eligible for a renewal instead.
bec renewals are a breeze, can be done at the malls w/ nbi posts.
4. bring fan, water, food, black ballpen, alcohol/hand sanitizer w/ towel or tissue, money in 100s, 50s, 20s and coins, and loads of patience.
these will be your survival kit.
if i were to do it all over again, i won't go for a fixer.
i would have done it smarter and fair :)
Subscribe to:
Posts (Atom)