10.01.2003



warla week

contagious ba ang pagkawarla?

ba't andami andaming taong kilala ko ang warla with their respective jowas?

wat's with this week?

nung monday, mega-advice pa lang ako sa ofcmate ko na warla with her bf,
akalain mo! gabi of dat same day, nampucha! away na rin kme ni gf!!!

syet! ano ba yang warla na yan? epidemic?!

'tangna naman oo! at shempre, pag inaway ka ng iyong other half,
bad trip ka na rin di ba?

so halos lahat ng tao sa paligid mo, wag lang magkakamaling kantiin ka
or asarin ka, dahil instant kaaway mo na sya pag nagkataon!

trickle down effect yan.

pati work mo damay.
hanggang sa walang kamalay-malay na keyboard, halos hampasin mo na sa pagtatype
ng mga walang kakwentang kwentang bagay, para lang may outlet ka sa seething anger.

at pag ganitong magkaaway kayo, ang sarap magrebelde!
as in lahat ng ayaw nya, ang sarap-sarap gawin.

ayaw nga magpagabi ka sa work?
pwes! OT ever ka.

ayaw nya nagyoyosi ka?
saka naman kating-kati throat mo na magbuga ng usok.

bawal makipag-inuman sa mga guys?
ikaw pa nangungunang magyaya ng toma.

at kahit anong kantyaw sa yo na, "uyyy! affected!",
deny to death ka naman.

as in ang reply mo, "dedma sa kanya",
"bahala sya sa buhay nya!"

kahit na deep inside ang gusto mong sabihin,
"tang-ina nya! ba't nde pa sya tumatawag or nagtetext man lang?!"
"gago yun ah! ayaw ako pansinin!"
with matching "waaaaah!!!!!!!"

hay, lecheng warla yan.

----------------------------------
random thoughts:

warla
war
wala (as in magwala)
wala (as in nothing)
waaah!

away (tagalog)
ayaw
away (english)
awa
hiwalay
laway

hay.

No comments: