3.14.2006

badtrip pa rin



*this is the reason behind the bad day song in the previous post*

nakakatamad pumasok
wala akong kagana-gana
merong kumukurot sa dibdib ko.
tinulog ko na nga, ndi pa rin nawala.
parang wala na kong pakialam.
di bale nang ma-late.
umabsent na lang kaya ako.
tangina, ndi pde.
ndi pa ko regular.
ndi ko sha itetext.
yoko muna shang makita o makausap.
sa ofc muna ko kakain ng mag-isa.
sasabihin ko mago-OT ako, kasi ayoko sha makasabay umuwi.
gusto ko munang umiwas.
sana matuloy sha sa badminton nya, para ndi na kme magkita pa.
hay.
angsaket.
andami ko pa namang baong pagkain, pero wala naman akong gana.
isa pa uling hay..
sana wala akong mtg, para sa table ko lang ako.
ndi ko trip makipag-usap kahit kanino.
magi-ear phones ako at magpapatugtog ng malakas.
sana makapagtrabaho ng matino.
ang panget ko today! syeeet!
nakalimutan ko pang magpulbos.
ang oily na siguro ng face ko.
kainis.
5min to 12 na, ndi pa ngtetext ang mokong na yun ah.
dedma. ndi ko sha itetext.
anong gagawin ko pag niyaya nya kong kumain na?
sasabihin ko may tinatapos pa ko.
mauna na lang sha, ndi ako makakasabay.
pano 'tong pagkain ko?
ndi pa naman ako pdeng magpagutom sabi ng acupuncturist ko.
past 12 na ah, ndi pa rin nagtetext.
tangina.
sige, ganyanan na.

*nagring ang phone*
jowa: pde ka na maglunch?
ako: pde na.
jowa: may baon ka?
ako: oo.
jowa: kain na tayo.
ako: ok.

pakshet!!! *sabay hampas ng laptop sa ulo ko*
pangatlong hayyy...
ndi talaga ako magaling magdahilan.
nakng! umoo pa rin ako sa yaya ng taong dahilan ng pagsisintir ko.
lech!
ainakow!
magpapa-late ako.
ndi muna ako aalis agad.
bahala sya maghintay.
alis ako after 5min pa.

*matapos ang mainit na lakarin papuntang ofc nya*

jowa: amina dala mo.
inabot ko naman dala ko.

ayoko sana, pero ndi ko alam pano tumanggi w/o being too obvious.

*syet! ang submissive ko, sunod naman ako*

tahimik lang ako.

jowa: ba't ang tamlay mo?
ako: mejo masama pakiramdam ko *biglang haba ng ilong ko at sinampal nito ang pagmumukha nya!*

pagdating sa kainan.
wala pa rin ako mashado imik.

uwian na.
sinundo nya ko sa ofc.
jowa: galit ka ba sa kin?
ako: *deny to death* ba't naman ako magagalit sayo? *sabay tawa ng fake*
jowa: sigurado ka?
ako: oo.
jowa: hinawakan kamay ko.

sa bahay.
ndi ako makatulog.
binabagabag pa rin ako ng mga denials ko na 'i'm ok'.

i was hoping kasi na sya na magkusa na magsorry.
na alam & conscious sha na nasaktan nya damdamin ko.
pero it seems dedma ang lowlah nyo.
either, dense sha, OA ako or ndi na nya ko labs! waaaaah!!!! :(

dahil kailangan ko nang ilabas ang saloobin ko.
nagcompose ako ng madamdaming text.

asa bed na ko.
i wana feel better na :(
pag may dinadamdam ang puso, dama ng buong katawan.
lamu, i love you e.
pero sometimes you hurt me.
siguro unknowingly.
last night, the way you talked to me wasn't nice.
demeaning.
i dunno if it's bec of pride, pero i was hurt.
bakit ako sad?
i feel down.
i don't feel confident kaya siguro unproductive ako sa work.
gusto ko sana indahin na lang kaya tinulog ko na lang.
pero it's still there when i woke up.
i hope by telling you this, will make me feel better na.
i love you.

8 comments:

Anonymous said...

parang gusto ko kaltukan ang jowangis mo baka sakaling magising ang loko at maging sensitive naman sa feelings mo. Tara ikain natin ng sandamakmak na pizza, ice cream, cake, spaghetti yang depression mo, matinding serving lang ng carbs ang kailangan para maging hyper ka na ulit:D You know how to reach me ok? I'm just here if you need me.

big brother mo

Summer Fire said...

hay naku, may mga tao talagang walang pakiramdam ( o ayaw makaramdam, nagpapanggap na walang nararamdaman, o nagtatanga-tangahan).

Anonymous said...

i love this entry. it's so honest. -w1cked

firewomyn said...

@w1cked - eto na lang ang masasabi ko - hayyy. naalala ko yang pakiramdam na yan. ilang beses na kaya akong umiyak sa harapan nya kasi may pagka-dense talaga yan e super emotional naman ako. perfect match di ba? hehehe.

Anonymous said...

nde masama umiyak lalo't sa harapan ni So pero minsan kailangan labanan..hold back a lil para meron tayong self worth. ma pride din ako and a borderline emotional (cguro pag pms) he he pero minsan riot talga yan pag dense ang kausap... kaya minsan dapat derechahan na rin para magkaintindihan. :)-w1cked

firewomyn said...

@w1cked - i know what you mean. i start out with that plan. but then as i explain things, nangingibabaw na ang sama ng loob kaya naiiyak na ko. kainis nga e! abt being direcho, yes learned that the hard way. super prangkahan na talaga kami now kasi that's what works for her. :)

Anonymous said...

:) i'm happy for you. triteful as i may sound, i've done a lot of stuff for the name of love also he he it really is an emotional roller coaster -w1cked

firewomyn said...

@w1cked - ito lang masasabi ko - didn't we all? :) part sya ng loving. so trite yes, because it's normal. =) magkwentuhan talaga tayo sa comments e. hehehe. am havin fun. :)