6.27.2010
isang araw sa balang araw
madami akong gusto ikwento, kaso puro tungkol sa paghihinagpis ko, kaya hindi ko na muna isusulat ng buong buo. umabot na ang sitwasyon ko sa puntong ayoko munang kumausap ng ibang tao (verbally, personally). pati si gf parang gusto ko na iwasan. sa bahay, hindi na ko nagsasalita masyado. there's too much talking already (or should i say shouting at home). kumikilos na lang ako. buong araw lang akong naglinis ng bahay kasi hindi ko kaya ang gulo. squatter na nga kami nakatira, kailangan pa bang mukhang basurahan ang bahay? sila kasi sanay na sa ganun. pag nasanay ka na sa isang bagay, nagiging acceptable na pag tagal. umulan ng malakas ng hapon kaya maghapon naman akong naglimas ng tubig kasi madaming tulo kaya binaha sa loob. naglaba nga ang kapatid ko nung isang linggo, kaso isang linggo lang nakatambak ang natuyong damit at hindi tinupi. kaya tinupi at sinort ko na lahat. kinagabihan, pagkakain, hinugasan ko lahat ng pinagkainan nila. kasi tulog na yung iba, yung iba naman busy sa panonood ng tv. sabi ng isa kong kapatid, sya na daw gagawa. kaso sila kasi, madaling araw na or minsan umaga na maghugas ng pinagkainan, kaya nilinis muna ng masisipag na daga ang mga plato bago pa mahugasan. may lakas pa naman akong natitira kaya ginawa ko na. nagpaka-busy na lang ako kasi tuwing napapahinto ako sandali at napapaisip, umaagos na lang ang luha ko. habang naglalaba ako ng damit ko kanina, naisip ko na ansarap sanang kunin ang puso para pigain at pagpagin na lang para lumabas na ang lahat ng nagpapahirap dito. sana may nabibiling murang sabon na kayang alisin ang problema sa isip at puso ko. na ang mga suliranin ay madali sanang nahuhugasan ng simpleng tubig sa gripo. aaminin ko, pinanghihinaan na ko ng loob. pero pilit ko itong pinaglalabanan kasi gusto kong maniwala na pag may hirap, may ginhawa. at dahil super hirap ang dinadanas ko, super ginhawa din ang matatamasa ko balang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
bigat...
- pola
ay bakit nman malungkot c fire? ung last entry inlove tas ngaun ang lungkot :( parang roller coaster pala ang life mo, png-maalaala mo kaya :)
...kidding aside, wag ka na malungkot, think it as some sacrifice you offer to the Lord.
-shygirl-
@pola - wag ka mag-alala, kaya ko to! dati akong kargador in my past life. hehe ;)
@shygirl - thanks for the concern. am doin better now =)
hey, i don't mean to be insensitive/rude but you think your're helping your family but in reality you're not.If you really love them, tiisin mo sila and let them fend for themselves. It may be hard but that will be the best that you can do for them. Don't feel guilty about it. You also have your own life to think about.
@anonymous - i know what you mean. it's more complicated that what it seems. but i have my limits too. thanks for your two cents :)
Post a Comment