6.23.2010
sintimyento ni neneng bato
Sa totoo lang, ilang araw na kong umiiyak. Parang bukal ng sama ng loob ang mata ko, na malayang pinapadaloy ang sakit na nagpapahina sa pagkatao ko. Daig pa nito ang oil spill sa Gulf Mexico sa dami ng inilabas na nagbabagang luha. Sabi nila, humans are 60% water. Ako yata 90% tears.
Sa maraming taon kong pakikipagsapalaran sa hindi patas na pamantayan ng buhay, natutunan ko na walang puwang ang sintimyento at tinatapakan ang mahina. Kaya ginawa kong matapang ang sarili ko. Ang mantra ko, "self preservation is the key to survival." Kasabay nito, ang pagtigas ng puso ko. Mistula kong kinubli ang puso ko sa freezer sa paga-akalang ito ang nagpapahina sa akin.
Madalas akong magbiro noon, "basta kaming mga piscean hindi naniniwala sa horoscope!". Hehe. Likas kasi sa akin ang pagiging madamdamin (typical of pisceans so they say). Kaya pilit kong sinanay ang sarili na alisin ito. Bahagi nito ang panonood ko ng mga action na palabas at tahasang pag-iwas sa mga bagay na maemosyon. Ninais kong masanay sa karahasan para hindi na ko tablan nito (read: desensitized).
Sa pantaha ko, tagumpay ko itong nagawa na parang isang proyekto. Siguro ako na ang babaeng totoy bato, matapang, matigas, hindi lang palaban, war freak pa.
Sa kabila ng lahat ng lakas natagpuan mula sa pagiging matigas, bakit hindi ako masaya? Wala nang nakaka-api sa akin basta basta, hindi na rin ako naapektuhan ng mga bagay bagay. Pero hindi ko makapa ang saya sa buhay ko. Parang laging masikip ang dibdib ko na bumabara sa aking paghinga.
Magkahiwalay pala ang tapang at saya. Hindi sya parang cause and effect. Sa takot kong magkasakit sa puso dahil sa mga kimkim na sama ng loob na pwedeng maging fat deposits sa arteries ko, nilabas ko ang puso ko sa freezer. Sa tulong ng init ng awa, marubdob na pagmamahal, at naga-apoy na prinsipyo, muling lumambot ang puso ko. At ako'y naging bading! Hehe. Biro lang. Mas normal ang pakiramdam ko ngayon. Nasasaktan pa rin ng madalas, pero nakakadama naman ng pag-ibig, pang-unawa at aliw sa buhay.
Kaya iyak kung iyak, mauubos din yan. Mabuti nang ilabas na lahat para mas mabilis makapag-move on. Suswertehin din, makakakita ng train crush at ayun! Muling ngingiti at mapapa-blog. Good night!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
I'm a pisces too and when I was (maybe) 9 I read sa horoscope na "mag-ingat sa daan" or something to that effect and on that same day nasagasaan ako ng tricycle. As a grown up I think it's funny now.
mag-e-eleven years na ko mula nung college dito sa manila pero hanggang ngayon hindi pa din matigas ang puso ko haha.. wala lang.. - knowmehateme
we all develop a wall sometimes we call as defense mechanism, in my workplace, i'm deemed as decisive and knows her way out but somewhere in my subconscious i know i am a trainwreck. i guess we're a bit on the same boat... under that tough exterior lies a soft and fragile id.
i've been told that we can't have everythin, kung lahat nasa sayo na e sobrang swerte mo na nun pero wala pang tao na sobrang complete kaya nga we always strive for that perfection. "happiness is relative" that's why i always count my blessings and seek happiness on lil things that money can't buy.
-w1cked
@_yle - interesting story. and wow! you're a piscean too. cool!
@knowmehateme - maswerte ka! :) baka hindi puso kundi ulo ang matigas sa yo! hehe.
@w1cked - you have the right mindset about happiness. :) good for you girl! you got the word, "id". i was trying to recall that term to use, but can't remember. is it bad of me to be relieved that am not alone in my predicament? i know this too shall pass and comments from friends in this blog helps a lot. :)
matigas ang ulo... minsan... hahaha... depende sa stimulation o sa mood... hahaha... may ganun... (--,) - knowmehateme
@knowmehateme - hehe. naughty but nice ;)
this post really got my attention.. im a pisces too! so likas pala ang pagiging madamdamin sa pisces.. i was doubtful since my other pisces friends seems really happy.. but anyway, kung ikaw nilagay mo sa freezer, sakin may pader.. one of my friends even joked na its like the great wall of china.. hehe
"At ako'y naging bading!" this really made me laugh.. ang really got me thinking.. :) -ally
@Ally - tough times. yep, the emotional/dreamer pisceans. ako naman ang napa-smile mo - great wall of china :) witty! got me thinking ba? so what's on your mind?
wiii! kinilig ako napa-smile kita.. haha!
anyway, e kasi diba i've been acting straight all this time so the line got me thinking that maybe i should be true to myself once and for all..
and with the current events in my life, my oh so masugid manliligaw that i almost promised to have a future with finally gave up, i feel like im finally free to do it.. but then again, there's still my family and my friends who are not that open to the idea.. to sum it up, that line is like prodding me to go for it..
off topic: ever since reading this blog, i've been more aware of the lesbians wherever i go.. everyday i see a new couple which surprised me a little.. before i was only aware of the butch + femme couples especially since there are a lot of butch(es?) in my course.. im really fascinated with the diversity.. sometimes i had to slap myself for staring.. tsk tsk -ally :)
Post a Comment