This is the first time I've been really career focused. As in I slaved for a promotion I haven't received yet. If I don't get it this year, will definitely look elsewhere.
Before, I get promoted just because am really good at work. I didn't exactly have a target to pressure myself internally. Sobrang reklamador ko sa hirap ng trabaho pero I thrive in crisis naman kasi so wagi naman ako lagi.
A guy ofcmate before described me as a weed. Kahit saan mo ilagay tumutubo. Napakaunglamorous na comparison pero totoo nga based on past experiences ko.
Not to glorify growing up poor pero I think harsh life toughened me a lot.
But last year, mas naging gutom ako sa ambisyon. As in am an ambitious bitch, tagged heartless behind my back. Siguro kasi suddenly andali kong nakuha ang ilan sa mga ginusto ko. Like the exact net salary I wanted, bahay, moving out, a coveted position as next in line to my boss. Parang suddenly abot kamay lahat.
To be fair to my myself, talaga namang binuhos ko lahat since last year. To a point na I gave up blogging and social life. Part of me regrets it pero bigger part of me thinks it's worth it.
I admit sa mga panahong naiiyak na ko sa pagod at napapatanong sa sarili if tama pa ba tong kabaliwan na to pinanghihinaan din ako ng loob.
Pero kumbaga sa bisyo lulong na. Masyado na kong maraming nainvest para pa umatras. Up to end of this year lang naman ang personal deadline ko. After that, adventure uli.
A few weeks ago inapproach ako ng isang intl non-profit organization sa email abt an opportunity. Catch is it's a 2yr contract position and needed in a month na. Man! International non-profit organization! Isa sa malaking item sa aking timba list. Dream ko sya college pa lang ako. Pero alam nyo naman dahil sa kahirapan sa buhay at dami ng binubuhay, inilibing ko muna ang pangarap na yan. Pero eto na sya ngayon! Bumangong muli!
Pera o bayong lang. Pangarap o promotion? Makatulong o Magpayaman? Naman! Wala pa nga kong kotse e. hay. Lagi na lang tough choices ang binibigay sa kin. At ang timing off talaga.
No need to panic naman kasi hindi pa ko napipili sa non profit org. Pero alam kong matatanggap ako kasi sabi sa feng shui ko sa planner na nabasa ko sa national bookstore, madami ako travels sa quarter two (Q2). Eto na yun e! 25% intl travel.
Pano ko ito ipagtatapat sa boss kong binuild-up na ako ng sobra sa mga matataas na bossing? Na ang kanang kamay nya ay nangangaliwa pala. Napakahirap. Napakahirap magdisappoint ng taong pinapahalagahan mo at pinagkatiwalaan ka ng sobra.
How do you break someone's heart without hurting them? You can't. Life in black and white.
Sa mga ganitong love or career, pera o bayong ang tema, isa lang ang next na maaari kong gawin bago pa mabiyak ang ulo ko kakaisip, pinagpasa-Diyos ko na. Sya na bahala kung saan ako best ilagay at dapat mapunta. I trust. I believe. I thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Cge, ipagdasal na yan! In God's own time you'll know...but it's still up to you to decide which one to choose, pera o bayong?!Good luck!
Post a Comment