2.21.2007
ocular experience
Ang sakit ng kaliwang suso ko!
Yan ang gusto ko sabihin para magbiro.
Pero ang totoo, puso ko ang masakit.
Ang sakit sakit nya.
Parang pinipiga sa kamao at dumudugo sya.
Habang inuubos ang dugo nya. Sya ding agos ng luha ko.
Hindi ko mapigilan.
Kesyong nasa opisina ako at nasa sasakyan kanina.
Ang sakit sakit nya.
Pinasisikip nya ang dibdib ko.
Nahihirapan akong huminga.
Hindi ako kumain mula tanghali hanggang gabi.
Hindi dahil fasting ako kasi ash Wednesday.
Isa itong hunger strike.
Hmp.
Niyaya akong magsimba ni jowa kaso I don’t feel religious today.
Specially when I'm losing my faith.
Winarningan ko rin si jowa na I'll be a lousy companion today.
Kung sigurado syang gusto nya pa rin ako makita after nya magsimba.
At sigurado rin akong pinagdasal ako ni jowa para luminaw ang pag-iisip ko.
Hanggang dyan na lang ang pdeng luminaw.
Kasi ang mata ko, hangga't hindi napapalitan/naibabalik ang salamin kong (tangena!!!!) nawala, ndi na ito lilinaw pa.
Oh Fact!
a. 30 lang grado ng eye glasses ko, prescribed for astigmatism.
b. Guess ang tatak nya. Ang lens nya ay nag-iiba ng shade depende sa lighting condition. So shades/eye glasses sya.
c. Ang salamin na ito ay nakuha ko ng libre courtesy of office optical/medical benefit ko from last year.
d. 3rd choice ko lang sya sa mga nashortlist ko na eye glasses. Top choice ko ay oakley na black rimmed and isa na I can't remember the brand, pero violet rimmed sya. Both are priced at 12k++. Guess ang cheapest. Out of vengeance, I want as replacement, my second choice na violet-rimmed.
So bakit halos maglupasay ako sa pasay dahil sa pagkawala nito?
Meron kasi syang continental value.
Ito ang aking first ever eye glasses.
It took me and jowa 3days back and forth to the malls looking for the perfect eye glasses for me.
Halos tumaas na grado ng mata ko nun kakapili and kakasukat. Susme!
To undergo that same grueling process is something I'm not excited about.
Word of Mouth:
Astigmatism - meron ako nito. Hindi dahil astig ako. Kala ko noon astig ako. Pero nung nangyari 'tong trahedya na to sa buhay ko, isa pala akong marshmallow sa lembot.
Bakit kaya astig-matism tawag sa kanya? Hindi dahil astig ang meron nito. Pero astig sa tindi ang sakit na dulot nito! Masuka-suka ka na gusto mong mag-headbang sa nearest pader.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment