2.08.2007
law of love
Isa ako sa mga biniyayaan ng pag-ibig.
Punung puno ako ng pag-ibig.
Kung pde lang ito ipamahagi sa lahat ng babaeng nakilala ko, ginawa ko na.
Kaso contrary to the gospel, love is selfish.
It is territorial.
At dahil dyan, kahit gusto kong magshare ng aking puso, ndi pde.
Kasi may nagma-may-ari na nito.
Hay, napakaswerte nya!
Sana alam nya yun! :D
Never ko naisip na ako ay submissive type.
Pero sa aming dalawa, feeling ko sya ang batas.
case 1:
An hr before lunch
Gf: may lunch kme ng barkada ha.
Ako: (sa isip ko: !@#$%^&*!!!!) ok. *sabay tahimik na lang*
ang style, papaguilty. Kaso minsan, ndi umeepek. Waaapak!
Gf: naiinis ka ba?
Ako: hindi. Ok lang ako. *sabay haba ng ilong ko. Amplastik! Tangina.*
Gf: naiinis ka eh.
Ako: *natural!!! Pagpalit mo ba naman ako sa barkada mo eh. Amp!* ok nga lang sabi ko. *ngingiti ng pilit*
Verdict: sya ang batas
case 2:
Ako: maaga ako uuwi.
Gf: may gym ako e.
Ako: ok
Gf: maaantay mo ba ako?
Ako: try ko. Text text na lang
Gf: gusto mo ba antayin kita?
Ako: *ofcourse da corrs!* sana.
Gf: sige, ndi na ko magggym.
Ako: agahan mo na lang gym mo.
Gf: ung aero na gusto ko an hr after pa e.
Ako: magweights ka na lang muna
Gf: o sige na nga.
Verdict: ako ang batas. Hehe.
So sino ang batas sa min?
Pareho pala kme. Depende kung sino ang tinatamad maki-argue.
Sya kasi, ndi na nagtatanong.
Ako nagcoconsult pa.
Infairness naman, alam na nya kung ndi ako natutuwa sa sinabi nya. Pero tinatry pa rin nya just in case makalusot. Ako, may tendency na ipilit gusto ko.
Wala lang, minsan gusto mo lang mag-inarte at masunod minsan. Hehe.
I guess, love ang batas at kme ay law-love abiding citizens :)
So may justice pa rin in the law of love.
hay, ang korni ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment