5.18.2010
totoo ba to?
hindi ko maramdaman. =(
ang hirap maging mahirap! badtrip. pagod ka na nga sa trabaho, pag-uwi mo, magtatrabaho pa uli, tapos hihingan ka ng pera. sinabi mong bukas na lang, kaso kailangan na daw at may babayaran. kaya kahit gabing gabi na, magbibihis ka uli para lumabas at magwithdraw ng perang yan.
habang sila, prenteng nanonood ng paborito nilang palabas sa tv at ang major concern ay kung ano mangyayari sa susunod na eksena ng pinapanood nila.
hindi ba ang sarap maghuramentado?
saan ba nakakabili ng pasensya? papakyawin ko na kasi kailangan ko ng marami nito. bibili na rin ako ng hiya, siguro mga sampung kilo. ipapamudmod ko sa mga tao sa bahay, baka kahit konti makaramdam sila nito.
at sana tamaan ng virus ng kasipagan ang mga kapatid ko para balang araw naman ay maisipan nilang kailangan din nilang kumilos at hindi puro asa.
sana Lord patigasin nyo pa braso ko kasi maglalaba pa ko ng susuotin ko bukas. at palakasin nyo po ang dibdib ko, kasi masamang masama ang loob ko ngayon. =(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
nakalaba ka na? cool ka lang..lilipas din ang tag-init..isipin mo na lang at least may pamilya ka pa rin na kasama..kung kailangan mo ng atay later on, me donor ka na.. cheer up!..twistedhalo.. ako matutulog na..gudnyt..laban na naman bukas..ang isang umaga ay isang pagkakataon tungo sa iyong pangarap.. (huwaw, linggo ng wika na ba?)
@TwistedHalo - lamo, you make sense ha, specially about the atay thing. hirap lang maging cool kung ganito ka-init.but am trying po. =) thanks for cheering me up because it did ;)
"tungo sa iyong pangarap" - i like!
hindi ka nag-iisa... ganyan din ang sitwasyon na kinakaharap ko sa kasalukuyan... at least hindi tayo naliligo sa dagat ng basura hehehe... joke... but let's take a look at the bright side... we have jobs... friends... love life... experiences (lessons learned)/good memories... smile up and down hehehe ('',)
@Anonymous - i like that, smile up an down. :) thanks for the encouraging words. and the line about "dagat ng basura" made me laugh. hehe. if ever you feel down, just tell me and i'll return the favor of trying to make you smile. :)
Post a Comment