8.07.2005
gusto kong yumaman!
nakakapagod nang maging mahirap. gusto ko nang yumaman. ang mga pangarap ko (na naglalaro sa isip ko) ay parang abot-kaay pero napakahirap makamit.
last year pa ko naglalaway sa portable dvd player. sa july 11 edition ng newsweek, on 'The TipSheet' section, they featured these players. 4/5 stars ang Govideo DP8240 ng CompUSA.com, pegged at $250. pde na! :)
sa sm, may appliances exhibit, shempre, parang nananadya talaga, may mga portable dvd players uli. pero puro AudioVox ang brand. 3 stars lang sha sa newsweek at tumataginting na $450 lang naman sha sa Target.com! olats!
my next burning desire is to own a laptop. may work, entertainment, social and image enhancement value sha! kung pde pa sana itong magdispense ng milo drink, self-contained na sha. panalo! :) pde ko nang i-isolate ang sarili ko at mabubuhay na ko.. wehehe :)
my gf recently sent me an email abt think pad loans from her barkada's company. tulo laway na naman ako. at dahil barkada to ng gf kong iniirog, nde dapat ako pumalpak sa paghulog. merong 6mos, 1yr, 2yrs to pay. pano if by some unfortunate event (na sana wag naman mangyari po pls!) ay nde na kme nun ng gf ko, pano na ang hulugan system?! dyahe! hmm... too risky, i won't bite this one.
pano ba nagsimula ang obsession ko sa laptop at sa kung anu-anong gadgets? ok, aamininin ko na, nagsimula ito sa inggit.
inggetera ako sa personal. hehehe :) ganyan talaga pag lumaking deprived, namamagnify ng societal bandwagon & trends (within the social circle you belong to) ang kakulangan sa buhay ko. na sa tulong ng edukasyong mulat, nagagatungan pa ng isang mabigat na tanong, 'saan ba nagkamali, at bakit kme financially challenged?' *ok, ok, 2 tanong yun.*
for the longest time, sinisisi ko ang magulang ko kung bakit kme mahirap, at siguro, sinisisi rin nila ang magulang nila. hayy... one generation of vicious cycle.
medyo may kaya sa lipunan ang pamilya ng nanay ko sa probinsya. mataas ang ranggo ng lolo ko sa militar. panahon ng giyera sa hapon, naambush ang tropa ng lolo ko. nabiyuda ang lola ko na may 3 babaeng anak. lumuwas ng maynila (sanggol pa lang ang nanay ko noon) para sumugal sa kapalaran at layasan ang marahas na alaala.
astig naman si lola, kasi nakaya nyang buhayin sila nanay. take note, iba ang 'buhayin' sa 'quality living'. i can't blame lola, panahon ng digmaan, manatiling humihinga pa lang ay pang-araw-araw na pakikipaglaban na.
ano ang nangyari sa 3 nyang anak?
nakakuha ng govt scholarship ang panganay (benepisyo mula sa pagiging anak ng militar na napatay on duty) at nagtapos ng commerce (education and commerce ang pangkaraniwang kurso noon, ngayon nursing, at nursing), nakapag-asawa ng medyo may uak at may itsura, though not necessarily mayaman. bagay naman sila, kasi si tita A ay kamukha ni susan roces (sana nag-artista na lang sya noon, patok pa sha!)
si tita B ay ndi nakapagtapos ng kolehiyo dahil umibig ng maaga at nakapag-asawa ng isang makisig at mayamang binata.
at ang nanay ko? bunsong anak, marikit na dalaga, nagtrabaho para makapagcollege, secretarial ang kurso. masyadong nalibang sa pagtatrabaho, at dahil kumikita na ng pera, huminto sa ikalawang taon nya. umibig sa binatang nagtapos ng elementary lamang, mahirap pero masipag, kamukha ng idolo nyang si victor wood at magaling magpatawa. at dahil masipag pareho, nagkaanak ng 6!
kasi palpak ang computation nila sa rhythm method. takot sa pills kasi bawal daw sabi ng simbahan, at ayaw magpa-ligate kasi may side effect daw. (hay... andaming excuses! lol!)
masipag at masikap ang mga magulang ko, pero sa opinyon ko, you'll need more than sipag to raise 6 kids! sa ganyang aspeto angat ang nanay ko. maabilidad sha. napromote na manager sa isang sikat na cosmetic company noon (opo, avon lady ang butihin kong nanay). ang tatay kong masipag, sa gitna ng tagumpay ng nanay ko ay nalulong sa kulto. (tama ang nabasa nyo, kulto, pero nde naman satanic cult, kundi, 'Ako'). sila ang nagpredict na magwawakas na ang mundo noong 80's. weird no?! (madami pang mas weird na nangyari, pero saka ko na kwento).
for the love of cult, iniwan nya ang pamilya nya. dahil nde naman nag-end of the world, nagmukmok sha sa isang kubo sa tagaytay. sa tulong ng tawas at seremonyas (pinakuluan ni nanay sa tubig ang huling damit na pinaghubaran ni tatay), nagbalik ang tatay. pero ofcourse, he's never the same again. (saka na ang madramang kwento tungkol dito, nde ko pa feel mag-emote).
dahil ok naman work ni nanay, naging complacent si tatay at nde na nagtrabaho. in short, naging tamad. si nanay ay eventually minalas at niloko ng ilang customers nya, dahilan para sha mabankrupt at makasuhan.
sa gitna ng magulong panahong ito (my own little war), masasabi ko namang swerte ako.
biniyayaan ako ni lord ng kaunting utak at feisty spirit. scholar from elem to college. nagtrabaho sa IT from the start at progressive naman ang career path. kung ano naman nangyari sa mga kapatid ko, iba pang kwento yun.
as i wrote this and reflect my family's history, these struck me:
a. nde enough na masipag ka or may utak ka or mayaman pamilya mo para magsuceed/yumaman.
b. nde rin excuse na you came from a financially struggling family not to succeed or make it big.
c. and nde masama ang mainggit. and maghangad.
i think ang magandang formula to succeed is:
utak + sipag + (motivation + goal) + swerte
utak, kasi there are many pathways to the big S, but you must strategize for the best way to achieve it. the S3 project; strategize da solution to succes.
sipag, kasi one way or the other, you have to sweat it out. energy or idea is useless until it it put into action. sa physics ko natutunan to. :)
motivation. napanood ko na to sa isang tv commercial, 'what drives you?'. pag naidentify mo na ang strongest motivation mo to a certtain goal, this will jumpstart and propel the sipag to keep on moving. sipag - (motivation + goal) is wasted effort because it is aimless.
swerte to me is inviting good karma or positive energy into your life.
i don't see swerte as something passive and you leave up for the gods to bestow on mortals. swerte is opening your life (heart, eyes, pores, mind, soul) to the goodness of life itself. swerte is not the type w/c is through the luck charmers (like a toad w/ a coin in its mouth, a figurine cat waving its paw, etc.), but more on willing the things to happen positively, through reinforcement. goodness begets goodness. as simple as smiling often, being thankful and positive thinking, i think those are sure swerte-drawer. :)
WARNING: formula not yet tested on animals, much more on humans!
but i'll be my own guinea pig on this one. afterall it's my life ;)
Subscribe to:
Posts (Atom)