12.19.2005

flower (dis)arranging 101



okay, i finally had the chance to give flower arranging a shot :D
my family went to cavite to visit my sister who gave birth dec5.
i had a quick stop at dangwa to buy flowers.
i just wanted to buy vibrant flowers in yellows and oranges.
but mahirap makapili ng ibang type of flowers kasi limited choices dun,
so i went for the classic type, roses :)
dahil en route to cavite lang, nagdrop-by ako sa dangwa, while the cab is waiting with my family inside, super madali ako sa paghahanap,

*commercial muna*
habang reckless na tumatawid, a guy joined me and muttered,
"mag-iingat ka sa pagtawid, sayang ka."
dahil ako'y natural na masungit, i just gave him the 'look' and dedma na.
then habang namimili na ko flowers, nakabuntot pa rin sha!
he's askin me if i wana join pinoy big brother show.

dunno if u've heard of it (those not in pinas),
pero reality show sha where people live in the same house,
with cameras all over. sobrang popular nya dito (import from holland).

shempre, dedma pa rin ako sa guy.
then he said, cameraman daw sha sa channel 2.
and that was the last straw! ako'y kapuso! makachannel7 :D
so i finally told him, "hindi po," at tuluyan na kong nagwalkathon.
*end of commercial*


so nakabili ako ng tig-150 pesos na 1 dozen flowers (yellow, and orange respectively).

pagdating sa cavite, nanghingi agad ako ng vase sa sister ko,
at shempre, ang swerte ko talaga, kakabasag lang ng maid nya ung vase nila.
so , nanghiram na lang ako ng pitsel.
ayun, mega-gupit, at hugas.
habang ang familia ay nagkakainan at tinatawanan lang ako.
siguro naweirdohan. kasi ndi naman talaga ako mahilig noon sa bulaklak, much more mag-arrange!
shempre, ang lowlah nyo, ndi nagpa-apekto at talagang kinarir ang paga-arrange.
kumbaga, pride na lang ito.
pinagtatawanan na nga ako, tapos pag pangit pa kinalabasan,
e baka humagalpak pa sila ng tawa at maging family joke na ko till new year.
oo, pride na ito! :D


so here's firewomyn's flower arranging 101

1. ndi pala madali ang flower arranging!
in da first place, kaya ako naengganyo, kasi una, mahal ang magpa-arrange and feeling ko, madali lang sha gawin!
shempre, mali ako! :D

2. dangwa is not dat mura
kaya ako dun nagpumilit bumili, kahit far flung, kasi tingin ko mura.
kasi mukhang poor ang place, so siguro naman cheap ang tinda.
pero, sa halagang P150 per dozen, mas mahal sha ng P30 sa flowerdepot.com sa makati.
dun nakaref pa ang flowers. yun nga lang, tiis ng konti kasi masusungit ang tao dun :D

3. may daya sa dangwa.
kasi ung nakaplastic na bulaklak na akala mo ndi pa namumukadkad,
e dinaan lang pala sa higpit ng tali,
para magmukhang bud pa lang.
pero pagtanggal mo ng balot,
mejo full bloom na at nagpipeel off na ibang petals.

4. at dahil nakatali, nde na naiinspect ang leaves.
in short, ang poor ng leaves ng nakuha ko.
mejo may spots, sign of unhealthy growth.
baka kinapos ng vitamis or sunlight :D lol!
so better go for open flowers na pde mo talaga
inspectionin na parang specimen under a microscope.

5. roses are sweet, pero matinik sha ate!
as in masakit. so dapat nakagloves.
super dami kong natrim off na leaves ng flowers.
at super gupit din ako ng thorns.
madami din yun ha.

6. dapat marunong ka ng kaunting geometry.
kasi mejo may mga angles, and symmetry chuvanes,
to achieve the so-called style.
so pag kina-cut na, dapat navisualize mo na sa isip mo,
para pag cut mo ng stems, considered na yung height pati leaves.

7. perception is not mathematical
kung akala mo ang dami na tingnan ng dalawang dosena
(kasi nga nung bata tayo, masaya na tayo sa 3roses),
hindi po.
kasi after ko sha gawin, nakontian ako sa 2 dozens, ndi kasi siksik.
at doon ko narealize ang importance ng "fillers".
ung mga kung anik-anik na dahon at nagliliitang bulaklak na walang bango.
*pasensha na at greenhorn, so ndi ko pa alam names ng mga iyon*

8. at the end of it all, rewarding ang flower arranging.
sa una, oo, mejo mapapangitan ka sa gawa mo, kasi ganun naramdaman ko.
pero dahil ito ay iyong creation, masarap na sha titigan,
para bang slowly falling inlove *kilig!*
kasi naturally magaganda naman ang flowers.

9. ang pinakamasarap gawin after flower arranging?
magpicture taking! wehehe. posterity.
o di ba, 2-in-1 hobby, flower arranging & photography :)