another gusto-ko-na-maggive up-day. sobrang sakit ng likod ko sa pagod. hay. ano ba tong pinasok kong trabaho. sobrang busy na hindi ka na magkandaugaga, skipped lunch and people breathing at your neck or wants a piece of you. pakiramdam ko paminta ako sa pagkadurog at sabog sabog na sa dami ng taong dapat pagsilbihan or iplease. ito ba ang reward ng may masters education from an international uni? hindi sya nakakaganda ha. wala man lang akong time magretouch ng makeup ko.
madaming taon na pero ganito pa rin ang drama ko sa buhay. malaki po ang financial reward. pero parang kulang pa pang-therapy sa trauma or long term toll sa maganda kong katawan. dito na pumapasok yung, may pera ka nga, pero hindi ka naman masaya. kasi hindi ka malaya. mahal lang bayad sa yo pero parang alila pa rin pakiramdam.
nagbasa ako ng a few past posts and ang sintimyento ko sa buhay, halos ganun pa rin. english lang pagkaka-express ko before. ganito naman talaga siguro halos lahat nga buhay empleyado.
napapaisip ako, bakit ko ba to tinotolerate. gipit na gipit pa rin ba? hindi naman masyado. pero pinangarap ko makapagtrabaho sa ibang bansa. eto na yun e. katuparan ng pangarap kumbaga. pero bakit ganun? sa sobrang kapaguran ko wala akong maramdamang satisfaction or achievement. wait, let me correct that. wala akong maramdaman kundi pagod at sakit ng katawan.
ndi rin ok na achiever, dedicated, hardworking, success driven. kasi ang tendency is prove them all wrong na kaya mong ma-achieve kahit ano challenges ibigay sa yo.
i think dapat din matutunan ang tinatawag na limit. hindi sya kahinaan. isa syang powerful tool, being aware of how much BS, crap you can reasonably accept without losing your sanity, without feeling depleted, without losing your joy.
in the spirit of marie kondo's what sparks joy, i can say, working this much and making unreasonable customers happy most definitely do not in any way spark even a thread of joy.
i listened to motivational videos. sabi nila you are what you think. so i tried not to acknowledge the pain, sadness, loneliness, dissatisfaction, heartbreak which burns every aching muscle. pero andun na ko sa point na hirap na i-mind over matter ang kalokohang toh.
baka magbasag na lang ako ng laptop dito sa office pag patuloy ko pa iinternalize tong feelings na to and hindi ko iprocess thru expression.
iniisip ko nga, kailangan ko magrelax, mag-enjoy. pero nothing comes to mind really other than ihiga ang sumusukong katawan. wala akong ganang kumain. seryosong gusto ko na lang tumulala sa room window ko mamaya pag uwi at alam ko na dadaloy na lang ang luha. syempre hindi naman pdeng magpaka-vulnerable sa office. ayoko rin namn maglasing kasi naga-acidic stomach ko sa alcohol.
actually mej naiiyak na ko while sharing these stuff. kasi as i write these i realize my mistakes, my situation which one way or another, i brought upon myself din naman.
so malamang, nasa akin din ang sagot pano makalaya at lumigaya. pero bago yan, kailangan munang umuwi ng bahay at magpahinga for more buntung hininga. haaayyyy...
4.03.2019
4.02.2019
sleepless in somewhere
tao po! :)
siguro wala nang tao dito. well, what can i expect, 3+ years ba namang ndi mag-update tapos last post may word na demon pa. hehehe. nakaka-off nga naman. the same way na if may dyowa ka and nag-MIA (missing in action) for years, babalikan mo pa ba?
i sorta abandoned this blog ever since i took some serious life decisions. i feel awful. parang nahihiya na kong magsulat/blog after not doing it for so long. parang pakiramdam ko wala na kong mukhang maihaharap sa blog ko and lalo kung sa sinumang naliligaw pa dito. maski yata multo wala na e. hehehe.
ang totoo, sobrang pagod ko today. tired to the bone marrow and yet hindi makatulog. ayoko sanang ganito ang major comeback of the prodigal fireowomyn e. pero wala e. the same way na the prodigal daughter returned kasi wala nang choice.
well konting background, natapos ko na sa wakas ang postgrad studies ko aboard. sinwerte na nagbunga ang kawalan ko ng social life or buhay in general ng graduation with honors. naks! akalain mo yun. masaya. i was able to travel, work ng parang walang bukas. magka-depression sa sobrang hirap pagsabayin. natutong mag-keto diet for added mental acuity.
so yun nga, natapos na ang postgrad chapter ng buhay ko. bilang ganti, nagkatrabaho sa ibang bansa. opo ofw po ako sa kasalukuyan. nahirapan sa maginaw na klima kaya dinaig ang ahas sa mistulang molting ng skin, ultimo anit ko nagshed din (in short nagkadandruff ako. yuck i know). syempre nagkasakit din at ndi agad naka-adjust.
mej ok na ko sa new environment ko. ewan ko ba sa bansang to, seryosong nafeel ko ang urge na maglabas ng cleavage kahit ndi naman kalakihan boobs ko. hehehe. dito ko rin natutunan wag mag-bra at gumamit na lang ng silicon nipple cover. nakapakaliberating ng pakiramdam. there is something here in this country na i feel more woman kahit puro naman lalaki katrabaho ko bilang trabahong male-dominated ang industry na ginagalawan ko. madalas sa conference room ako lang babae.
minsang nag-mini skirt ako, nyemas, ndi makatingin sa akin ng diretso mga ka-team ko at sa waist down bumababa ang tingin. hindi sila nahihiyang magstare.
kumpara sa pilipinas kong mahal, mas onti tao and far apart ang mga buildings, bagay bagay. kailangan nagdadrive. kinaya naman ng powers ko ang mga iyan.
pero mga busy din ang mga tao, after work may kanya kanya nang buhay karamihan. or baka naman ang totoo ayaw nila ko katropa. ewan ko.
may isa akong naging kaibigan dito na taga-pinas na matagal nang dito nakatira. kaso lalake. walang choice, kasi matyaga naman syang punta-puntahan ako, at ipasyal. pero nararamdaman ko na bet nya ko kahit ilang beses ko nang sinabi na lesbian ako at may gf na. siguro kasi asa malayo kaya feeling nya walang bearing. mabait naman. kaso naiilang ako sa mga pahaging na i dreamt of you, ang seksi mo, ang cute mo, kinwento na ko sa nanay nya at ininvite ako ng nanay nya sa birthday. whatthe. walang ganyanan pre.
so ayun na nga, wala ako makausap ng buhay buhay dito. alam nyo naman ako, nabubuhay dugo ko sa mga kwentong pag-ibig at buhay buhay. saka mga labas labas para gumimik.
mahirap. pero i enjoy living here na rin. kaso pareho ng napakaraming kwentong ofw, may tamang lungkot din sya. naubos ko na nga panoorin American Idol youtube videos e. ndi naman ako mahilig sa tv. naghanap ako ng lesbian activities near me, puro speed dating lumabas! halos 3x a week yata sked and week days ha. mahirap sumideline ng gimik pag work day e. sayang. siguro minsan icheck ko ano ganap sa mga ganun. pero ndi muna sa ngayon.
salamat sa blog na to na tunay na maaasahang hingangan ng saloobin. gumaan ang pakiramdam ko. kasi parang may kakwentuhan na rin habang tuloy tuloy ko lang sinusulat lahat ng maiisip at mararamdaman ko. no judgement kahit wala nang sense ang sinasabi ko. da best! no filter outpouring.
madami nagsasabi ndi na raw uso ang blog. howell papel. dedma sa uso. basta ang blog ko ay para sa puso ko. para sa virtual self-talk, unloading ng nagpapabigat sa dibdib, nagpapalungkot sa damdamin at nagpapayapa sa isipan ko.
salamat sa yo firewomyn blog. kasi binigyan mo ako ng space. ngayon pa lang i feel better na.
since i dunno really if there's anyone i can still talk to within the blog like may reader pa ba to, i will just write for myself for my firewomyn self.
dahil gumaan na pakiramdam, inaantok na rin sa wakas. kulang na naman tulog ko nito. magmamadaling magprepare for work, mabilisang ligo at ayos, no breakfast at sa ofc na magkape, then meetings na sandamakmak. loop. pero this time, feeling better and excited kasi i can kwento again tomorrow. =)
hanggang sa muli!
Labels:
Personal Thoughts,
Travel,
Work/Career
Subscribe to:
Posts (Atom)