4.03.2019

tulala sa isang tabi

another gusto-ko-na-maggive up-day. sobrang sakit ng likod ko sa pagod. hay. ano ba tong pinasok kong trabaho. sobrang busy na hindi ka na magkandaugaga, skipped lunch and people breathing at your neck or wants a piece of you. pakiramdam ko paminta ako sa pagkadurog at sabog sabog na sa dami ng taong dapat pagsilbihan or iplease. ito ba ang reward ng may masters education from an international uni? hindi sya nakakaganda ha. wala man lang akong time magretouch ng makeup ko.

madaming taon na pero ganito pa rin ang drama ko sa buhay. malaki po ang financial reward. pero parang kulang pa pang-therapy sa trauma or long term toll sa maganda kong katawan.  dito na pumapasok yung, may pera ka nga, pero hindi ka naman masaya. kasi hindi ka malaya. mahal lang bayad sa yo pero parang alila pa rin pakiramdam.

nagbasa ako ng a few past posts and ang sintimyento ko sa buhay, halos ganun pa rin. english lang pagkaka-express ko before. ganito naman talaga siguro halos lahat nga buhay empleyado.

napapaisip ako, bakit ko ba to tinotolerate. gipit na gipit pa rin ba? hindi naman masyado. pero pinangarap ko makapagtrabaho sa ibang bansa. eto na yun e. katuparan ng pangarap kumbaga. pero bakit ganun? sa sobrang kapaguran ko wala akong maramdamang satisfaction or achievement. wait, let me correct that. wala akong maramdaman kundi pagod at sakit ng katawan.

ndi rin ok na achiever, dedicated, hardworking, success driven. kasi ang tendency is prove them all wrong na kaya mong ma-achieve kahit ano challenges ibigay sa yo.

i think dapat din matutunan ang tinatawag na limit. hindi sya kahinaan. isa syang powerful tool, being aware of how much BS, crap you can reasonably accept without losing your sanity, without feeling depleted, without losing your joy.

in the spirit of marie kondo's what sparks joy, i can say, working this much and making unreasonable customers happy most definitely do not in any way spark even a thread of joy.

i listened to motivational videos. sabi nila you are what you think. so i tried not to acknowledge the pain, sadness, loneliness, dissatisfaction, heartbreak which burns every aching muscle. pero andun na ko sa point na hirap na i-mind over matter ang kalokohang toh.

baka magbasag na lang ako ng laptop dito sa office pag patuloy ko pa iinternalize tong feelings na to and hindi ko iprocess thru expression.

iniisip ko nga, kailangan ko magrelax, mag-enjoy. pero nothing comes to mind really other than ihiga ang sumusukong katawan. wala akong ganang kumain. seryosong gusto ko na lang tumulala sa room window ko mamaya pag uwi at alam ko na dadaloy na lang ang luha. syempre hindi naman pdeng magpaka-vulnerable sa office. ayoko rin namn maglasing kasi naga-acidic stomach ko sa alcohol.

actually mej naiiyak na ko while sharing these stuff. kasi as i write these i realize my mistakes, my situation which one way or another, i brought upon myself din naman.

so malamang, nasa akin din ang sagot pano makalaya at lumigaya. pero bago yan, kailangan munang umuwi ng bahay at magpahinga for more buntung hininga. haaayyyy...







3 comments:

Anonymous said...

watch billie and emma :) it reminded me of your blog coz it played firewoman by barbie :)

Anonymous said...

watching billie and emma reminded me of your blog and because it played firewoman by barbie almalbis :) keep your head up :)

Anonymous said...

Gusto sana kita ayain mag 2 botts pero nasa malayo ka pala.