8.24.2004
simple lang ang pangarap ko sa buhay
simple lang ang pangarap ko sa buhay.
makapasok ng maaga, makakain sa oras, at makauwi ng maaga.
pg sinwerte, makanood ng sine at makipagkwentuhan sa mga kaibigan.
pg talagang pinagpapala, makapagbadminton man lang.
simple lang ang pangarap ko sa buhay.
pero mahirap abutin.
maaga ako nakapasok. ako nga ang pinakamaagang dumating! *yabang*
pero sa lahat ng simpleng pangarap ko,
yan lang ang natupad.
12:30 na ko nakakain ng tanghalian.
nde maaga, umaga na ko nakauwi.
ni tv nde ako makapanood, sine pa kaya?!
ang mga kaibigan ko, binoykot na ko kasi nde ako lagi umaabot sa usapan.
dahil sadyang pangontra ang trabaho ko.
badminton?! ako na lang yata ang tao sa earth ang nde pa nagbabadminton!
simple lang ang pangarap ko sa buhay.
kung simple sha bakit nde maisakatuparan?
idissect natin ha.
1. dahil ba nde naman talaga sha simple? tangina naman o, kung nde sha simple, e di ung bigger wishes, unreachable na lalo?!
2. dahil ba nde ito matatawag na pangarap? kung nde, ano sha? ilusyon? ohno!!!
3. dahil ba wala akong matatawag na buhay? kaya wala akong karapatang mangarap? naknampucha! ang saklap nun ha!
simple lang ang pangarap ko sa buhay.
pero ang totoo, tanggapin ko man o hindi, ang buhay ay nde simple.
ang mangarap ay maaaring madali.
ang kumplikasyon ay ang mapatupad ito.
simple lang akong tao.
na may masalimuot na mundo at trabaho.
may simpleng puso.
umiibig, nasasaktan, pero lumalaban.
may simpleng disposisyon.
makipagkapwa-tao, maging patas at maging masaya.
simple lang ang pangarap ko sa buhay.
at patuloy akong mangangarap dahil ito ang bumubuhay sa akin araw-araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment