9.03.2004

da other womyn



may gusto akong babae.
nuknukan ng lambing.
eloquent pa.
ewan ko kung alam nya, pero abot tenga ang ngiti ko pg naiisip ko sya.
halos sumakit na nga panga ko.
alam ko may chuva rin sha sa ken.
pero tamang tama ang atake nya na mapapaisip ka,
baka assuming lng ako.
mahusay!
kainis!
pg nag-uusap nga kme, nde nya lang alam,
kung saan saan na lumilipad isip ko.
alam mo ung out of body experience na,
pakiramdam ko, katawan ko lang ang nakikinig
pero ung kaluluwa ko niroromansa na sha!
ilang beses ko nang nareplay sa isip ko un.
pero lagi na lang akong umaasam.
dahil kung gano ko sha gusto gahasain, hawakan, at angkinin,
ganun naman sha kadistansya na para bang no-touch.
ni nde nya hinahawakan kamay ko.
nung minsang niyakap ko *in da guise of frendship*
mejo nanigas e.
badtrip! turnoff yata sa ken!
maling diskarte!
lagi lang sha anjan.
nde ko alam kung saan patungo.
ayoko naman pangunahan kasi timpla ko sa kanya
ayaw nya ng ganun sa babae.
minsan panakaw ko syang tinititigan.
naks! ito, ito ang magiging girlfrend ko! sabi ko sa isip ko.
sabay tawa sa loob ko!
hay, nakakapraning.
feelin ko ako lang nakakaramdam ng tension.
basta, pag tama na ang pagkakataon,
liligawan ko talaga sha.
nde ko masabing mahal ko sya,
pero gusto ko talaga sha.
at alam kong mapapamura ako pag napunta sha sa iba.
tangina! isipin ko pa lang ang sakit na.

kunwari magtatapat na ko sa kanya:
alam mo bang unang kita ko pa lang sau,
kinabahan na ko?
nde dahil nerbryosa ako.
pero kinabahan ako kasi sobrang saya ko nung magkasama tayo.
parang nde tama.
kasi may gf ako non.
ilang beses ko namang pinagbawalan sarili ko na
oops! preno! preno! bawal yang ginagawa mo!
mali yan!
kasi nun pa lang nanghinayang na ako.
sana una kitang nakilala.
sana malaya ako.
pra lubusan kong naenjoy ung moment natin.
naramdaman mo ba un?
ung kabog ng dibdib ko?
ung init ng balat ko?
nde dahil sa alak ha.
kasi may sumisingaw na damdamin sa kin nun.
nde ko mapigilan.
kulang na lang mag-apoy ako nun.
parang lalagnatin.

*end of pagtatapat*

dimonyo ka!
nabulabog ang mundo ko.
nakwestyon ang laman ng puso ko.
pati ang mga tinuturing kong malapit sa puso ko.
pinamukha mo sa 'king, i aint seen da best yet.
pakshet!

pero iba ka talaga.
kasi lagi mo ko napapatawa.
nde ko kailangang magsabi, alam mo kung kailan ko kailangan ng kasama, kausap.
u put me at ease lalo pag problemado ako.
ewan ko kung okay pa eardrums mo, sa dami ng rants ko sa buhay.
pati bulsa mo, baka butas na, kasi lagi ka nanlilibre.
we always have the grandest and most fun tym together.

minsan naiisip ko, baka ganun ka talaga sa lahat.
baka nde naman special ang ginagawa mo sa kin, kc
ordinary na sau un.

nahihiwagaan ako sau.
pero patuloy pa ring naaakit sau.

1 comment:

Anonymous said...

Hmmm...that was a nice poem. Actually, it was more than nice. I love the way you write, girl! Kinda subtle yet very passionate. I was really drawn to this poem. (More so, because I can relate to it..hehe!)

Keep it up!