1.13.2004

olats mode



tangina! ang olats ko na!
nde naman ako dati madrama e.
masayahin akong tao. alaskador.
astig! makulit! balasubas! optimistic.
logical! nde emotional. nakukuha lahat sa rason, logic.
nde ako umiiyak.
peronampucha naman o!
ang korni ko nang tao.
dinaig ko pa ang mga telenovela at mga suicidal sa pagdadrama.
andami ko nang nagawang tula.
suki na rin ako ng kazaa kakadownload ng kantang naaakma sa quagmire of a
situation ko. pati lyrics, sinusurf ko din sa google.
nagjojournal n ko ngayon! online pa!
talagang gusto ko yatang maghanap ng kakampi, karamay.
gusto kong isigaw sa world wide web--- i'm in pain! sawi ako sa pagibig! help me! (press f1!)

nde naman ako galit sa mundo.
nagmahal lang at nasaktan.
kaya pasan ko ang daigdig sa dibdib ko.
kasalanan ba yon?!
mali ba na maging mahina ako?!

aaaaarghhh!
pano ba magtransform pabalik?
teka, nagtransform nga ba ako?
o nagevolve, nagmetamorphosize?
ngii! nde naman ung gaya kay kafka na metamorphosis ha!
wala akong balak maging ipis!
kahit sila pa matitira sa earth after a nuclear holocaust.

No comments: