6.24.2004

tamang emote




madaming gustong gawin ang puso ko, ang katawan ko na kinokontra ng isip ko.

nais ko sanang malunod sa pag-ibig, magmahal ng malalim, pero ako'y natitigilan. nag-aalinlangan.
gusto kong maging makamundo, magwala pero mali.
ibig kong magpakasama, malulong sa bisyo, wag makialam, magpakasarap, pero bawal.

nde ako makapamuhay ng ayon sa nilalayaw ng hilig ko.

nde ako malaya.

natatali ako ng mga patakaran,
ginuguhitan ang kilos ng kultura, at kinakahon ng relihiyon.
pakiramdam ko, ngayon pa lang, unti-unti nang kinikitil ang aking buhay.
nahihirapan na kong huminga.
nilalason ang aking mga pinaniniwalaan.
pinapatay ang aking pagkatao.

pano ba ang lumaya, ang maging masaya, ang tunay na mabuhay?

No comments: