12.31.2009

Share tayo :)




Six and a half years na kong nagbablog. Akalain mo yon?! Binandera ko ang buhay ko, mula kalamnan hanggang kaluluwa.

Sabi nila, wag daw todo todo magbigay kasi baka walang matira sa yo. Sa dami ng binahagi ko, hindi minsan ko naramdamang nabawasan ako. Kung may nawala man, yun ay ang mga sintemyento ko sa mga kung anik-anik na olats na parte ng pakikipagsapalaran ko. Kasi gumagaan ang pakiramdam ko every time sumusulat ako. Sa panahon ng "No therapeutic claims", ito na ang pinakamura at mabisang therapy! Sankapa di ba? :)

Ang totoo, mas nadagdagan ako mula nang nagsulat ako. Sa pagdami ng entries ko, dumami kaibigan ko. Nagka-fans pa ko! Naks! Wehehe. Obviously, nadagdagan din yabang ko. Haha!

Nung binalikan ko past entries ko, nagugulat ako. Sinabi ko talaga yon?! Ako talaga gumawa ng tulang yan? Akalain mo, naisip ko yun! Ang galing kasi! *ayan, ang yabang na naman! Haha!*

Kung magkaroon man ng pagkakataon na maisip ko na dumaan lang ang panahon ng ganun na lang na para bang nasayang, balikan ko lang ang past blog entries ko at madali akong maliliwanagan. Mas maliwanag at maputi pa sa naputikang t-shirt na binabad sa Tide Oxy-bleach. Ito ang patotoo - naging makabuluhan ang nakaraan.

Kung gusto nyo ko makilala, madali lang. basta marunong ka magbasa at may access sa internet. Malalaman mo lahat ng kabaliwan at kakornihan ko. Kung pano ako ka-OA magmahal at magreklamo. Kung gano ako katsismosa at kadaldal. Kung sinu-sino ang pinagnasahan ko at mga jinowa ko, pati kung kelan kami nagbreak at iba pang escapades!. Ultimo grammar errors at bloopers ko mabibisto mo! Haha. Madalas kasi type lang ako ng type at tamad na mag-edit.

Nitong papalapit ang Pasko, medyo detached ako. One week na lang, hindi ko pa rin feel ang espiritu ng Pasko. Magtrabaho ka ba naman hanggang Dec. 23 e. Pero nung nagshashopping na ko ng mga regalo sa pamilya ko, unti-unti sumigla ang pakiramdam ko. Plano ko nung una pa lang, magtitipid talaga ako, kaso pag namimili ka na at ito'y nakalaan sa mahal mo sa buhay, lalambot din susi ng pitaka mo e. Dahil ang totoo, mahal para sa mahal. :) Kung si jowa ko nabibilhan ng mga bonggang regalo, pamilya ko pa titipirin ko? Kesehodang pasaway si kapatid o kaya mahirap ispelengin si mother at sobrang higpit ni tatay, aminin na natin, mahal natin sila! :-p Ito pala ang meaning ng Pasko… mahal sa mahal! Haha! :)
Sorry, pero hindi lang para sa mga bata ang Pasko (ahahaha) kundi para sa lahat! Wag kayo madamot!

Super gasgas man sabihin, pero sa pagbibigay ko natagpuan ang sigla ng Pasko.

Salamat sa inyong lahat na nagbasa, nakiramay, nakipagflirt, nagcomment, naglurk , nang-okray, kinilig at nakitsismis. Mas malawak ang mundo sa world wide web. Excited na uli ako magkwento at magbigay ng sarili ko sa inyo. Share tayo! :)

1 comment:

Kim said...

Kim
President, The Super Solid Firewomyn's Fans' Club