2.14.2011

inlababo pa rin

posted this years ago - "kapag sinabi ko sa 'yo". ang sabi ko lang, "dahil inlababo ako". ehem, inlababo pa rin po hanggang ngayon. =) kung paanong nagsimula ako ng marubdob, ganun pa ring lalim ang nadarama ko. pag sinisid ko hindi ko na alam kung sa'n aabutin. noong una, nakakalunod. aaminin kong nakakatakot. pano kung sa lalim ng paglangoy ko hindi ko na maalala ang daan paahon? puno ako ng alinlangan. ngayon ko lang naisip kung bakit. kasi nag-iisip ako ng mag-isa. pag umibig ka na at inibig ka ng totoo, hindi ka na nag-iisa. gano man ito kalalim o kadilim, may hahawak sa kamay mo na hindi bibitiw kahit luwagan mo pa ang hawak.

Ang kantang ito ang naglalaman ng puso ko na binigay ko sa yo. Pusong puno ng pag-ibig at pag-asa, pati ng kakulangan at kasobrahan. Pusong may pangako at pangarap. Pusong akin at iyo.


**sabay sabay tayo -- cheeeeesy!!!!  Hehehe.**



2 comments:

G said...

bah. ang hilig mo na sa kanta!

firewomyn said...

@G - ongae. hehe. masaya naman kasi :)