1.19.2005

kapag sinabi ko sa iyo

by gary granada



**dahil inlababo ako ... :p **


kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y minamahal
sana'y maunawaan mo
na ako'y isang mortal

na nde ko kayang abutin mga bituin at buwan
di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y iniibig
sana'y maunawaan mo
na ako'y taga-daigdig
kagaya ng karamihan
karaniwang karanasan
dala dala kahit saan
pangaraw-araw na pasan

ako'y nde romantiko
sa iyo'y di ko matitiyak
na 'pag ako'y kapiling mo
kailan may di ka iiyak

mga magandang hinaharap
sikapin nating maabot
ngunit kung nde pa maganap
sanay wag mong ikalungkot

kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y sinisinta
sana'y ibigin mo ako
mulat ang iyong mga mata

kayamanan kong dala
ay pandama't kamalayan
na natutunan sa iba
na nabighani sa bayan

halinat ating pandayin
isang malayang daigdig
upang doon payabungin
isang malayang pag-ibig


kapag sinabi ko sa 'yo
na ika'y sinusuyo
sana'y yakapin mo ako
kasama ang aking mundo.

2 comments:

CuteJugglerJeN said...

wow inlababo ka! :) that's more like it. enjoy the ride my dear friend. am happy for you! :D inuman na!!!!!

Cherie said...

aba! inlababo ang lola kaya tahimik lately hehe ;-)