3.28.2011

handaan

sabi nila japan na ang pinakahanda sa earthquake. pero nakita naman natin kung panong nagmistulang labada sa loob ng washing machine ang japan sa tsunami.

ganyan din pakiramdam ko noon tuwing nagrereview ako for an exam in college. feeling ko alam ko na lahat. pero pagdating ng exam, halos sumambulat ang brain cells ko sa hirap sa pagsagot. maswerte na kung pumasa. hanep talaga ang mga teachers sa UP, ang gagaling magpahirap sa estudyante, ang hirap lagi magpa-exam. kung sa tingin mo alam mo na, hindi pala pag oras na ng exam. grr.

ganyan din pag may gusto kang iconfront. kahit ilang ulit mo nang nireplay ang gagawin mo sa isip, pag harapan na, lalabas ka pa ring unprepared. either mautal ka, magpaligoy ligoy, matatahimik, maiyak or kung ano ano ang lalabas sa bibig na parang hindi ka nagpractice ng maka-ilang beses.

hanggat batas si murphy, lahat tayo mananatiling bagito.dahil ang pinakamahalagang paghahanda pala ay hindi sa pag-aaral, sa pag-analyze, sa pagpapractice o sa pagtayo ng depensa, kundi ang paghahanda sa puso. na maging matatag, bukas, at palaban sa paulit ulit na tsunami, earthquake at exam ng buhay.

No comments: