4.10.2011

Daan lang

mahaba, malubak, mausok, madumi pero nililinisan (at nadudumihan uli), matuwid na may mga liko, matrapik. may mga aksidente. may mga jaywalkers, may mga babala sa pag-iingat, paghinto, at pagtuloy. may mga direksyon. pero may naliligaw pa rin. may tumutulong, may nagnanakaw, may nagkakamali,  may masunurin, may pasaway, may nagpaparaya. pag umulan may baha, paminsan-minsan maluwag (lalo pag may laban si pacquiao).

ganyan sa edsa ng buhay. masalimuot, puno ng pakikipagsapalaran, pero may kalayaan.

ikaw ang didiskarte.

sana magtagpo tayo dito balang araw. =)

No comments: