10.24.2011

wish upon a star

Madaming showbiz ang nagsasabi na "I don't have regrets in my life, only lessons." pero dahil ako'y hindi showbiz (celebrity lang. hehe. nakng! feelingera!), aaminin ko na I have a lot of regrets in my life. I made numerous mistakes that if I can go back to them, I would do things better. Unahin na natin ang pag-iingat sa katawan. Kung mas maingat sana ko nung bata, baka super flawless pa ko ngayon at totoong magshowbiz na ko. Haha. I hope mas nag-aral pa kong mabuti kung panong super sipag ko nung elementary at high school. Sana hindi ako maagang na-expose sa mapulitikang sistema ng edukasyon para nangarap pa ko ng mas mataas.


Saan ka naman nakakita ng pag-enrol mo ng first day sa first year high school sa pinakamalapit na public shool sa min e malalaman mo na matapos kang pumila ng ilang oras at kutuhin sa arawan e sasabihan kang puno na ang section 1. huwaw! Nalaman ko na sa mga anak pala ng teachers nirereserve ang section na yun. Mga bwiset! So masakit man sa kalooban ko, ako ay nagpalista sa sub-section. Hay, nakakapanliit kasi mataas ang tingin ko sa sarili ko. mayabang sa madaling salita. Hehe. anyways, dahil likas na epal, sumali ako sa science contest. Dahil second class citizen sa paaralang pinaghaharian ng star section, ginanap ito sa oras nila at sa kwarto nila. Payn! Weird, pero nadalian ako. at nagulat ako na ako ang nagwagi. Hay, wagas ang paghihiganti! Hehe. Pinaskel ang resulta sa blackboard sa labas ng building na kita ng lahat. Nang makita ko yun, unti-unting umangat ang paa ko sa lupa habang naglalakad. Hindi ko namalayan, lumolobo na pala ang ulo ko. Haha. Mayabang na kung mayabang! Pero masarap talaga ang pakiramdam na vindicated ka at in a way, nalabanan mo ang bulok na sistema ng bulok nilang eskwelahan.

Dahil ang naganap ay isang anomaly sa kanilang analysis, kailangan itong macorrect. Pinapalipat ako sa section 1. ngayon pa?! Kung kelan masaya na ko sa mga kaklase ko at ang pinakamagandang babae sa first year ay nasa section namin?! (which on fast forward, turned out to be a major kapuso! Which in retrospect explains a lot of things. Pero saka na ang kwentong yan. hehe). Ngayon pa na may nagkacrush na sa kin na boylet?! (which on fast forward turned out to be gay, as in parloristang gay! Which also explains why hindi ko sya pinatos. Hindi pala kme talo. haha). In short, major tanggi ako sa offer nila. I'm sorry! Hindi lahat ng best ay nasa tuktok. Hindi pala lahat ng pangarap kailangan tingalain at abutin. Pwede din naman pala paminsan-minsan, pangarap ang palapitin mo sa yo. =)


Itutuloy...*nagnakaw lang ako ng onting oras sa trabaho*

1 comment:

Anonymous said...

kwento ka din about sa pinakamagandang girl! naintriga ako bigla. missed you! thank you pala sa pm sa ym. nagulat ako it was from you. =)
-clyte