7.08.2011

biyernes

dahil na-inspire ako kay Wil at Vivian of Saving Face. and simply because masarap magmahal ng malaya. napasulat ako kanina habang nasa jeep papasok sa trabahong hindi nakakakilig. hehe.


Biyernes

mahal kita.
walang bakit,
walang sukat,
buong tapat.
 
kung paano,
kung bakit ikaw,
kung hanggang kailan,
hindi ko alam.

basta sabi ng puso ko
masaya sya pag andyan ka.

payapang dumadaloy,
hindi rumaragasa,
hindi nagmamadali.

natural na sumasabay
sa aking paghinga,
ang alaala na nagpapangiti.

mahal kita.
kahit pa 
hindi mo 
ako mahalin.

2 comments:

Anonymous said...

i <3 it! idol talaga kita sa writing about g2g love! :) galing!

- the anonymous

firewomyn said...

@the anonymous - naks! salamas po. :) watch Ang Sayaw ng 2 Kaliwang Paa. mas maiinlove ka dun! sa mga poetry readings and translation to songs. :)pramis! ;)