dito ko na sasagutin ang comments at universally helpful sya at dahil mahaba ang reply ko! wahaha =)
from scout - "magtravel ng mura". okay, tama ka. :) so sinabi ko sa aking ina, "ma, gusto mo magboracay tayo nila tatay? may promo ang cebu pacific!" sagot nya, "magpapa-executive check-up na lang ako kesa magboracay". okay, mukhang mas mapapamahal ako dun ah. *kamot ulo* pero tama sya. kalusugan muna bago lakwatsta. indirectly, nasermunan ako dun ah. hehe.
from w1cked - "deviate whining into daydreaming", "have an inspiration". pasensya na at medyo sabaw na utak ko sa pagod, pero hindi ko makonek. ahehe. i think indirectly, sinermunan mo din ako na tigilan na ang whining. ok fine. pakshet fine. kasi ang laman lang ng daydream ko ay babae. so goodluck sa ken. haha.
kay of course kilala mo ako - ang nagwagi sa pinakamahabang comment, kaya hindi ko na ikoquote. hehe. peace! :) labyu po! :) salamat sa empathy at commendation medal. :) key points -
- MBA at UPD - anlayo kasi sa ofc. balak ko sana after work magklase. ang AIM tatlong kembot lang andun na ko. :) pero the more you bring it up, the more am considerng it. sana pumasa ako sa reqts nila. haha.
- personal fund for happiness exploits - naexcite ako dito. hehe. iba dating pag hinaluan mo ng word na "exploits" e. lol! lista ko muna ang mga exploits na ito.
- it also feels good to be needed - wala to sa comment pero nasabi mo na to sa kin before. medyo natauhan ako dyan ng slight. kasi sandamakmak reklamo ko pero okay nga naman ang pakiramdam na kailangan ka ng pamilya mo. knowing na nakakatulong ka. wag lang sobra sobra kasi hindi naman ako superhero o dyosa. hehe. ksp pa naman ako, baka pag hindi na nila ko hinihingan ako naman magreklamo. haha.
from twistedhalo - ang runner up sa haba ng sermon, este message pala. hehe.
- "it's up to you how you will spice it up" - translation: nasa kin ang tanong, nasa kin din ang sagot.
- "kaya ka nabuburyong e, puro obligations ang iniisip mo" - dinagdag ko to bilang patunay na i think sinermunan ako ni ate. kulang na lang lagyan ng exclamation point sa dulo no? haha. totoo naman, nabuburyong na ko. masyado ko yata dinidibdib ang obligasyon ko. chill muna. obligasyon muna sa sarili, bago sa iba. nasabi rin to ni kilala ko sya. at dahil pinagtutulungan nyo na ko, sige na po. paradigm shift :)
- "makipaglandian" - ito ang kadugtong ng suggestion ni w1cked, sa isyung inspirasyon.uyy! may konek ang comments nila. wahaha. joke lang ha! baka seryosohin nyo panunukso ko, pupukpukin ko kayo ng landian sige kayo. hehe. nang-aasar lang po. baka pareho nyo kong pukpukin. bati tayo :)
ang grandwinner answers:
twistedhalo: "don't be guilty doing the things you love, you deserve it" - ang pamatay! in short, tama na ang self pity at anong petsa na. move on na. yes ma'am-sir-ma'am. lol! joke lang ulet :D
of course kilala mo ako: because if you don't take care of yourself first, you can't take care of anyone else. Like the oxygen masks on the plane nga naman.... - hanep sa simile!very witty last line. sorry po gat jose rizal at tinabla nya kayo sa inyong "bayan muna bago ang sarili". at pasensya na rin po kasi yung sa kanya ang gagamitin ko :)
4 comments:
Ahaha! So what's my prize? ---twistedhalo
hahaha at sino naman ang iyong inspirasyon? yikess!
si twistedhao ang grand winner!? hanep!! hahaha -w1cked
May objection ata sa aking korona. Hahaha...twistedhalo
hahaha! natawa at natuwa ako dito :D
- the anonymous
Post a Comment