11.03.2004

laro sa apoy



gusto kitang makita at makaniig.
damhin ang mainit na labi ng iyong pangako.
at mapaso sa dila ng iyong katapatan.

magpalamon sa lumalaking apoy ng kabaliwan
magpakalunod sa nagbabagang pagnanasa,
na ang langit ay nde na muling uulan ng luha.

halina't pag-usukin natin ang ating mga kaluluwang
sumasayaw sa liyab ng pag-ibig
na susunog sa lahat ng mga nakaraan.

pagka't ngayong gabi,
at sa susunod pang mga araw,
ikaw at ako ay magiging isa.

No comments: