1.12.2010

Senti 2

posting a rejoinder from Kim on my Senti post.This was originally a comment, but it's too good to be left hidden in the comments section. So posting for everyone to enjoy. :)

note: this is with Kim's permission




Napansin na kita noon.
Unang tanong sa sarili, may syota kaya siya?

Pagtingin sa status mo-
In a relationship with ____
Sad.

Asa pa 'kong mababakante ka.
Para ka lang UP Ikot na laging puno sa umaga.

Nakaraan pa ang ilang buwan,
nakita ka muli.
Tinignan ang iyong status-
Single.

Kunot noo.

Ako hindi. =(

Ilang fast forward pa ba ang kailangan
Para ang status nati'y maging magkatugma?

No comments: