1.10.2010

Senti



Napansin na kita noon pa.
Nagpacute ako sa yo, alam mo ba?
kaso hindi mo ko pinansin ha.

Sad.
Fast forward.

Ilang taon na ang nakaraan. 
mula sa kung saan,
bigla kang nagparamdam.

Chineck ko status mo,
ikaw ay may SO.

Hmm...

Syempre, kahit matagal na,
kinilig pa rin ako ng bahagya.
Kaya ayun, pinansin naman kita.

Haha. Hindi na nagpakipot!
Ambilis kong sumagot.

kaya muli akong nagsulat.
Pero hindi lang dahil sa yo ang lahat.
madaming dahilan, maraming pinag-ugatan.

pero isa ka na dun.
naexcite ako, alam mo ba yun?
Siguro naexcite ka din ng ganun.

kasi mula noon nagsulatan na tayo.
May pananabik sa kung anong bago.
Walang malisya to, maniwala kayo. :)

Kilig lang. 
Masaya lang.

Ang sulatan ay naging tawagan.
Nagsulputan ang mga langgam.
At nagsimula akong dagain.

Status ko ay muling sinilip.
In a relationship.
Tae. Badtrip.

10 comments:

Anonymous said...

"walang malisya ito, maniwala kayo".. sa presinto ka magpaliwanag ateh..hahaha...twistedhalo.

firewomyn said...

@twistedhalo - wehehe. 'kaw talaga, malisyoso! meet naman tayo minsan, kwentuhan with my other blog readers. :)

Anonymous said...

ahihi..baka madisappoint ka sa akin.. i'm better read than heard (and seen).. :) as usual.. me pa rin.. ayan ha regular reader na, regular commenter pa o commentator? peace!

Kim said...

Napansin na kita noon.
Unang tanong sa sarili, may syota kaya siya.

Pagtingin sa status mo-
In a relationship with...
Sad.

Asa pa kong mababakante ka.
Para ka lang UP Ikot na laging puno sa umaga.

Nakaraan pa ang ilang buwan,
nakita ka muli.
Tinignan ang iyong status-
Single.

Kunot noo.

Ako hindi.

Ilang fast forward pa ba ang kailangan
Para ang status nati'y maging magkatugma?

firewomyn said...

@TwistedHalo - asus! magdrama ba? 9pm na naiinsecure pa? :) anytime you're ready, just tell me. thank you at matiyaga ka magcomment. i appreciate it really. :)

firewomyn said...

@Kim - wow! a poem inspiring another poem. dahil dyan ilelevel up kita. :)

Kim said...

ohhh. wow! i didn't realize that's what you meant when you told me you're posting it. harrr another transferee moment.

well hehehe! thanks so much. yay! really appreciated. ^___^ (i'm smiling from ear to ear now)

Anonymous said...

sige, panindigan ko na ang pagcomment dito ha..bakit ganito ang tema ng mga posts? di ba kakaumpisa pa lang ng taon, bakit parang bordering into intellectual infidelity ang mga itu? nabobored na ba ang mga tao? hehe nagtatanung lang po..baka mali ang interpretasyon ko--hirap kasi pag tula..kanya-kanyang pananaw..sori kung mali (i'm sure sasabihin mali) tao lang -- as usual ako pa rin TW

firewomyn said...

@TW - i like your term, intellectual infidelity. you're right. meanings are in people. not in words, so hard to judge. mukhang madami ka gusto sabihin. meet na tayo! :D

ephemeralbliss said...

wala namang masama matisod, wag lang madadapa. Chos! hahaha!