7.20.2012

Hanap Buhay, Hanap Biyaya

Para sa mga sumubaybay sa aking pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ito po ang update. Tanggap na ko! Yey! :)

ang kasalukuyan kong boss ay nagdemand ng two-month notice. Nag-aklas ang damdamin ko! Pero nangibabaw ang pagiging mabait na manggagawa sa aking puso kaya pumayag na rin ako. *submissive leche*

Gitna ng Agosto ang aking huling pasok at sa Setyembre naman ang simula ko sa kumpanyang tutupad sa pangarap kong pagyaman. *sana. Hehe*

Plano kong magpahinga at mamasyal bago muling sumabak sa trabaho. Balak kong maglibot ng kaunti sa timog-silangang Asya. Kung may gusto sumama, basta wag magpapalibre, sama lang! Da more da many! :)

After two years, ngayon lang uli ako lalabas ng bansa. Kaya naman puno ako ng pananabik sa lakad/lipad na ito.

Maraming nagsasabi na maliit ang mundo. Para sa kaso ko, totoo to kasi maliit lang ang mundong ginagalawan ko (on one hand, malawak naman sa kamunduhan. Bwahaha!). Pero handa na kong lumabas at tuklasin hindi lamang and world wide web at world peace, kundi pati ang a whole new world! *sabay kanta... A whole new world.. A dazzling place i never knew....* Hahaha. *parang baliw lang*

Ngayon alam nyo na! Nakakalulong ang mangarap :) at nakakaloka pag unti unti nang nagkakatotoo ang lahat ng pinapangarap. =)

4 comments:

ces said...

wow. congrats, i'm happy for you :D <3

firewomyn said...

@ces - salamat! i'm happy for me too :D

Anonymous said...

Does it start with a Z? :-) the people who interviewed you sounds very familiar to me. That's all

firewomyn said...

@Anonymous - everything starts with something usually with A. i wouldn't want to be in a triple z though lest we'd doze off. hehe. thank you for dropping by :)