1.20.2005

bakit ayaw ko mainlove?



kasi ayaw ko na muna mapraning
ung tipong nde lng sha magtext for a few hours e ikot n pwet ko, kakaisip kung ano na nangyayari sa kanya or kung mahal pa nya ko.

kasi ayaw ko ng obligasyon.
shempre, kakamustahin mo, kung kumain na ba, kung nakauwi ba ng safe, kung ok lng sha, kung matutulog na ba sha. magpapaalam ka sa mga lakad mo or activities mo.

kasi gusto ko magfocus sa work ko.
pg inlove ka kasi and may konti lang kayo tampuhan, apektado na work mo, kasi nde ka makaconcentrate kakaisip abt sa inyo and pano ayusin ung tampuhan/away nyo. and you have to devote time for QT (quality time), so bawas muna OT pra maka QT.

kasi gusto ko sana magtipid.
nde naman sa nagbibilang, kaso totoo namang pag inlove, magastos. kasi generous ako pg inlove.
txt galore. call galore. date galore. gift galore.
(ohshit! tunog matrona ah! wehehe)

kasi gusto ko pa magwala.
in other words, gusto ko pa mambabae! lol! :D

kasi takot pa ko masaktan.
ewankoba, andami gustong gusto na mainlove, kahit alam naman natin na nde maiiwasan ang masaktan.
kakambal na ng love ang pain.

kasi gusto ko muna mahalin sarili ko.
minsan kasi pg sobrang inlove, nalilimot ang sarili para lang sa mahal nya. swerte mo kung ang mamahalin mo ay aalagaaan ka ng husto at mas priority ang mapasaya ka.

kasi nde pa ko handa magsinungaling na naman sa pamilya ko.
dahil closet ako, madaming itatago: ang pagdedate, ang pgdeny sa kung may karelasyon ka na (kasi nde nmn nila kakayanin kahit aminin mo), kung saan lakad mo at sino kasama mo, sino kausap mo sa phone, sino nagbigay sau nyan (gifts ng mahal mo), para kanino yang binili mo, etc. magtatahi na naman ng elaborate na kasinungalingan.

kasi ayaw ko na naman umasa.
na ito na un! na magtatagal ito.

kung pdeng mamili, ayaw ko pa mainlove.
kung pdeng umiwas, ayaw ko pa mainvolve.
kung kayang bawalan ang puso, ayaw ko muna ito kumabog
kung kayang pigilan ang damdamin, ayaw ko munang umibig.

kaso nde pde, nde kaya.
so kahit ayaw ko pang mainlove, wala akong magagawa.
kundi :

-mapraning sa pag-aalala para sa minamahal.
-maging responsable nde para sa sarili lamang kundi sa kabiyak.
-matutong balansehin ang trabaho at relasyon.
-gumastos ng para sa dalawa at nde mgkwenta (kasi walang price tag ang pagmamahal).
-magwala or do wild stuff pero tangi lamang sa kasintahan.
-maging handa na masaktan at iwasang masaktan and tinatangi hanggat maaari.
-mahalin ang sarili at kapareha.
-maglihim muna sa pamilya para sa ikakapayapa ng lahat.
-umasam at pagsikapang tumagal ang pagsasama.


ayaw ko pa sanang mainlove, pero huli na.
dahil umiibig na uli ako.

4 comments:

An said...

Mahirap nga talagang ma-in love... pero matuturuan ba ang puso? kung pwede nga lang sana.... kung pwede nga lang sana

bullish1974 said...

awwww... :D

firewomyn said...

Butch: yeah, life is full of wonderful surprises. exciting isn't it? :)

Raspberry: wala nang madali ngaun, lahat mahirap, so keri na siguro ;) challenging pero masarap magmahal at mahalin. syet! angkorni ko!

Bullish: yeah, i've been hit :) goodluck to me!

Anonymous said...

Shit!! nasagasaan na naman puso ko...galing mo talaga! -lance