1.06.2005

mahika ng erotika



imagination is the creator of erotika.
there are good writers who can write out of pure imagination and there are those typical writers who needs to experience things before they can write about it.

mas masarap maranasan at imaginin ang erotika kaysa isulat.

para itong bola ng apoy na gumugulong at namamaso mula sa puso pababa sa puson.

ang init na didila at magpapausok sa lahat ng madikitan nito.
painit ng painit, hanggang sa matupok lahat ng katanungan at pag-aalinlangan.

sa dilim, mga liyab ng mata ang tanging makikita.
nakakauhaw na init.
nakakapaglaway.
nakakagutom.

isipin mo ang isang tigreng may matatalim na pangil na pinakinis ng walang kulay na laway.
na may dilang mapula at pinadulas ng pagkabasa.
mga tingin nito'y galit at nag-aapoy.
nakatitig sayo.
ndi ka makagalaw.
para kang nahypnotize ng kanyang tapang.
kung gano kalakas at nakakatakot ang kanyang dating, ganun naman sya kadahan-dahan kumilos papalapit sayo.

*o isip mo lang yon na ninanamnam ang eksena?*

iibabawan ka nya at bago ka pa nya mahawakan, ay tutuluan ka muna ng kanyang laway.
hahalo sa luha ng iyong pawis.
ang unang pagniniig.
walang magsasalita.
tanging kabog ng dibdib at malalim na hininga ang mangugusap.

dahan-dahan syang bababa sa iyong kinahihigaan.
dadanti ang kanyang balahibo sa iyong umaasam na balat.
ibabaon nya ang kanyang nakakahiwang pangil sa iyong kalambutan.
aagos ang luha at dugo.

*this is what i call exquisite pain!*

ipipikit mo ang iyong mata sa katotohanang lalamunin ka nya ng buhay at papatayin ng unti-unti. habang sya'y pinapalakas ng iyong kahinaan.

gutom sya at ika'y mapagparaya.
malakas sya at ika'y mahina.
sya ang diyos at ikaw ang alay.

4 comments:

Anonymous said...

Hindi ko alam kung gusto kong maging bolang apoy, tigre o ako ang papatayin.. pero sure ako na gusto kong malawayan...(maging Alay.. pala!) hehehhehe

firewomyn said...

ah, basta ako gusto ko magsulat! :D

Cherie said...

I see you finally posted your erotica piece... very nice :-)

firewomyn said...

^^ ongae. nainip na ko e. :)