9.13.2011

i, thank you!

okay fine. aaminin ko, hindi pa ko nakakamove-on sa pagkapanalo ni Supsup ng 3rd runner-up sa miss universe. :D

Dahil siguro sabik tayong manalo, kaya hanggat hindi tayo nakaka-miss universe title uli, laging dinaya tayo! Hehe. Bukod sa laban ni manny pacquiao, apektado din ang buong bansa sa pwesto lagi ng philippines sa miss universe. Siguro kasi isa itong paksa na sakop ang pandama at pang-unawa ng lahat. Mula taong grasa, masa, kolehiyala, nago-opisina, nanghuhuli ng buwaya, nagmimisa, hanggang ofws sa ibang bansa. At dahil ang kagandahan ay base sa panlasa ng tumitingin, walang tama o mali, kaya mas masarap magdebate. Hehe.

Bakit tayo dinaya?
1. Ms Philippines lang ang hindi gumamit ng interpeter. Yung apat, mas mahaba ang oras sa pag-iisip dahil sigurado, nakakaintindi naman sila ng Ingles pero nagpa-interpreter pa rin. Kaya ang totoo, dalawang beses sinabi ang tanong sa kanila.

2. Lagi na lang pinakamahirap ang tanong sa Ms Philippines. Ngayon, mahirap na kontrobersyal pa kasi may usaping relihiyon. Ganunpaman, pinakabongga ang sagot nya! Yung iba ang sisimple at safe.

3. Madaming lalaki sa judges na tinamaan sa sagot ni Supsup na personal na ayaw magpaconvert. mga buseet!

4. Ang daming hakot sa audience ng Angola kaya sya nanalo. Ang Pilipinas kasi patuloy na naghihirap pa kaya walang pondo ang mga pinoy para dumayo sa Brazil at sumuporta.


Pano tayo mananalo sa susunod na miss universe?
1. Sa susunod na taon, summa cum laude na ng UP ang ipapadala natin.
**i learned na may summa cum na tayong sinali, si anna theresa licaros**

2. Aralin ang lokal na salita kung saan gaganapin ang miss universe. Para pag sagot, may English version at local version para matuwa ang audience. Wagi at wagas!

3. Pag-iipunan na ng mga supporters ang pamasahe papunta kung saan man gaganapin ang patimpalak. O kaya maki-tie up sa Cebu Pacific para magkaroon ng piso fare sale sa bansang pag-dadausan ng miss universe. sugood! mga kapatid! :D

Side comment:
Si Lea Salonga, sana hinirapan nya ang tanong kay Ms Angola, para naman fair. tanong na gaya nito:

Miss Angola, in 100 words or less, how would you solve the ongoing problems between Israel and Palestine? Cite sources.

^^napulot ko sa peyups.com ang tanong na yan. hehe

1 comment:

scout said...

"Miss Angola, in 100 words or less, how would you solve the ongoing problems between Israel and Palestine? Cite sources."

- winner! ang galing ng nag-isip, LOL. :D