12.31.2011

Happy na, new year pa! :)

Ano ba ang bagong taon? maingay, magastos, delikado. holiday, mausok, makalat, magulo.

Ano ba ang bagong taon?
Ito ay bagong buhay, bagong pag-asa, pagbabago.

Lumang katawan, pero bagong balat na may mas sensitibong pandama sa hinaharap. Pangarap na nalalasahan sa bawat pagpikit, paglunok, pagtibok at paghinga.

Lumang puso na pinatanda ng samut-saring karanasan at karahasan. Pero dinadaluyan ng sariwang dugong nag-aalab na muling sumubok at magpatawad.

Suot ko ang bagong damit na optimismo. Ito ang babalot sa lahat ng pangamba, laban sa masama. Ang tapang na saplot sa aking mga paa ang magbibigay lakas sa akin na laging makipagsapalaran.

Ano ba ang bagong taon?
Lumang binihisan ng bago? O bagong sangkap sa luma?

Bago ang lahat, ang bagong taon ay pasasalamat. Sa mga bagong kilala na ngayon ay masasabing luma at nagtagal na samahan. Sa mga blog posts na niluma na at natabunan na ng bagong mga posts, pero may bagong kahulugan at epekto pa rin sa ibat-ibang tao.

Salamat sa regalo nyong tiwala, kwento, pagmamahal at pakikipagkaibigan. Kayo ang nagpa-Happy sa New Year ko. =)

3 comments:

Anonymous said...

Aww...sooo nice!HAPPY new year indeed!
Tila makabansa ang tema ng iyong bagong taon?!may pinaghuhugutan ngang tunay!magaling!:D

-pepita

eloy said...

Happy New Year friend! =)

firewomyn said...

@pepita - oonga. inspired e :)

@eloy - cheers to friendship! :)