Merong girl who implied na crush nya ako. Well she used the term "gusto". Hindi ko ito pinansin masyado pero aminin ko naman na kinilig ako. :) so masaya lang kaming nagtampisaw sa possibilities without overthinking things. *translation we're friends with undertones*. Minsan, a friend openly said crush nya si girl. Ewanko, for someone who's not that interested, I suddenly felt territorial and pikon. "Hoy! Gusto na ko nyan kaya sorry ka na lang at please wag ka na umeksena. Hindi ka papasa sa kanya!" Affected much, naknampucha.
While am not vocal nor i equally reciprocate her attention and gestures, i appreciate all of them. Am just cautious, and know as psychics are sure, it's a long shot for us. Then sa gitna ng hindi inaasahan, sinabi nyang may crush sya, AT hindi ako itoh! Gumuho ang kastilyong binuo ko sa ulap. Aminin ko uli, may kurot akong naramdaman. Kung kurot ito sa puso or pride, hindi ko na masabi. But the feeling is not pleasant. Syempre, gusto ko syang sumbatan. Akala ko ba gusto mo ko?! Bakit may crush ka pa?! Andaya mo. :(
Napaisip ako, ano ba ang mas matimbang, crush or gusto? I dont feel special anymore from her kasi nakadistribute naman pala ang affection nya. In short, am not the center of her universe and it's not fun. Kasi honestly, selfish ako. Kaya pasensya na lang si kawawang ako. :(
Minsan gusto ko syang barahin, "Tigilan mo na nga ang kakakwento mo sa perpekto mong crush at ikaw lang ang natutuwa!"
Mahirap pala talagang maging masaya para sa iba kung hindi naman ikaw ang ikinasisiya nito. Hay.
Kumpara sa crush nyang perpekto, ako'y puro na gasgas. Kumbaga, damaged good na, pero mayaman naman sa character. Hah!
Kaya kung ano mang nurtured feeling meron ako for her, hindi na mahalaga. Kung panong may crush na sya, I crushed this small & promising feeling for her naman. Wala, tampo na. Hehe. Back to earth na uli. Dahil dyan, train crush mode muna. :)
11.25.2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Mejo tinamaan naman ako sa friends with undertones. Hahahah.
Ganyan din kami nung isa kong kaibigan, nung una kasi kaming nagkausap aminan ng crush mode (drinking session), at sabi niya ako daw. Alam naman ng lahat ng taken at unavailable ako, pero from time to time nang-aasar siya at pinagtatawanan na lang namin. Baka nga joke na lang yung pagkakacrush niya sakin sa tagal na nun eh. :))
I try not to let those things get to my head, dahil alam ko namang may pagka-attention whore ako. :))
ako, crush na kita. =)ako na bago mong admirer!
@JaDa -eeee naman e. pinapakilig mo naman ako. hehe.salamas! :)
Post a Comment