12.15.2004

gusto kong tumula 2

**da take 2**



dahil gusto kong tumula
wala sanang kokontra.

mga katagang walang kwenta
basta tunog ay tumugma.

e ano kung nde ako makata?!
ekspresyon ang mahalaga!

ung masarap sa bigkas ng dila
at swabe sa pandinig ng tenga.

gusto ko ring tumula
ng sa puso nagmumula.

bumigkas ng matatamis na salita
na aarok sa inyong pandama.

magkwento tungkol sa pag-asa
at magbahagi ng pang-unawa.

na ang buhay ay tunay na masaya
may laman man ang bulsa o wala.

gusto kong tumula,
nde ng mahabang mahaba.

gusto kong tumula,
kasi gusto kong lumaya :)

No comments: