12.13.2004

surviving mancoms (mgt committee mtgs)



tanginang buhay to.
san ka ba nakakita ng meeting na 6 n oras?!
kaya siguro ko nagka-scoliosis dahil sa kakaupo (ng walang sandalan) sa pagkahaba-habang mga meeting na yan e.
nde lng un, isa itong mini torture chamber.
walang kainan ito. wiwi lng pahinga.
etong ipamukha sau kung gano ka kainutil or kapalpak.
pipigain ka na aminin ang mali mo. or manuro sa mali ng iba.
pag wala nang maibato sau, babalikan ang nakaraan at huhukayin ang mga nakalibing at nananahimik nang mga isyu!
tama ba naman un?! potakte talaga!
duduguin ka talaga sa kakaisip ng ano nga ba nangyari at delayed kau at kakainggles habang kinakabahan at naiimbento ng dahilan para wag kang upakan sa galit ng boss mo.
ang pagkaka-alam ko sa sarili ko, magaling ako mg-inggles, pero sa araw araw na ginawa ng dyos kakausap sa boss kogn kano, na haluan pa ng nerbyos, kaya pautal-utal na rin ako, e andami ko na wrong grammar! nakakahiya talaga!
pag gusto mo magpaka-safe, patigasan na lang. ang key dito, wag ka titingin sa mata ng boss mo!
nde naman sa magiging bato ka pag nangyari un, pero pg nagtama ang mata nyo, nakow! wala ka nang lusot! dapat sumagot or mg-react ka sa kanya. expected na un. kung wala talagang lumalabas sa bibig mo, mejo kumunot ka ng noo *kunwari nag-iisip*, or tumango-tango ka *kunwari naiintindihan mo or agree ka*.
pero hanggat maaari, umiwas ka. yumuko ka, tumingin ka sa mga kasama mo, magsulat ka, ng tula, ng kwento, magdrawing ka, kahit ano, basta may ginagawa, wag lang mukhang tuod, kasi mashadong halata un!

sa mancom, lahat na ng emosyon lalabas.
etong may iiyak (na nde ako minsan makarelate!)
etong may sigawan! w/ matching habulan ha. da height ng drama di ba?!
etong may maghagisan ng papel.

sa mancom lng namin ikaw makakakita na ultimo ea (exec asst) pde umepal!
as in major react ha. oha! san ka pa!

masakit sa ulo, sa dibdib, sa sikmura, sa likod, sa mata, sa pantog!
pero i hav to survive. otherwise, baka matagal na kong napraning sa kakaattend ng mtgs.
makauwi na nga.

2 comments:

bullish1974 said...

i feeeeeeeeeeeeeeeeeeel you :D

red_door8 said...

hehe. parang telenovela ah.
pwedeng pa-email naman sakin yung pics? yung sa gerry's? :)
salamats hehe