7.02.2010

Ka-Lola-han

Two weeks na kong pinitpit na luya at bawang sa lrt. Nakakapasok ako sa loob ala-mosh pit pero patayo. Kung meron mang train crush sa loob ng siksikan, hindi ko na makita kasi ni leeg hindi ko magalaw without accidentally kissing someone. So after two weeks, at a few harrassments, nakaupo din ako sa wakas! Yes! Finally! Nakatsamba din!

Prente na kong nakaupo nang ang second batch ng nakapasok sa tren ay tumambad sa akin. Ohmother! I groaned. A Lola got jostled near my seat. Ansarap na ng upo ko e. Putakte naman o! Hay, bakit ba ko pinanganak na gentlewomyn? Ninamnam pa ng pwet at likod ko ang a few seconds na pagkakaupo. Tumayo at inoffer ang coveted seat ko. Kaso mo, si Lola, makipot pa sa iskinita sa Tondo sa pagpapakipot! Wag na daw. Aba! mapride si Lola! Syempre nakipagpilitan pa ko ng onti. Pati kasama nya sinasabihan na rin sya. Kaso si Lola pa rin ang nasunod as always. So balik ako sa prenteng upo at madali naman ako kausap. Hehe. Magiliw ko na Lang na biniro si Lola, "naks! Kaya pa ni Lola! Malakas pa! Astig! :)". Naki-oo na rin ang kasama nya. Bumaba sila sa Carriedo, malamang magsisimba sa Quiapo or titingin ng class-A swarovski accessories or bibili ng mga pirated dvds. Hehe. Ingat po kayo! :)





















Personal note: wala na kong lolo at Lola on both my parents' sides. Mga maaagang lumarga para magballroom sa langit. Kaya madalas, nakiki-Lola ako sa iba. Kung papipiliin ako, mas malapit ang puso ko sa mga lola/lolo kaysa sa bata. Mas gusto ko sila alagaan. Hindi ako madidiring yakapin sila at matiyaga akong makikinig sa kwento nilang paulit-ulit. Alam ko signs ito ng Lola deprivation. Nakakalungkot lang. Kasi magulang ng tatay ko, bata pa sya ng mamatay, tatay naman ng mama ko, baby pa sya ng mamatay, tapos ang Lola ko kay mama, tsinugi ng sakit sa sobrang sipag. Kaya bata pa lang ako, ulila na sa lolo at lola. Pag yumaman na ko, tutulong ako sa nga homes for the aged para maging mas maayos ang kalagayan nila. Kung kinakailangan ng production number to entertain them, iaachieve ko yan! Hehe. This means, kailangan ko nang yumaman! Now na! =)  

7 comments:

Anonymous said...

ako din mahilig sa matatanda hehehe.. but seriously, seniors have soft spot in my heart.. they never seem to run out of stories, mostly bittersweet memories.. their eyes twinkle with wisdom.. i have always wanted to visit/volunteer in home for the aged but im too lazy/havent found/joined an org yet.. - knowmehateme

firewomyn said...

@knowmehateme - that's nice! :) i had an org before where we visited an home for the elders in the province. the guys gave the lolas roses, while we gave the lolos cards. twas really sweet and memorable. :) minsan visit tayo sa kanila =)

Anonymous said...

oh you ride the LRT1 too.. akala ko MRT lang. Sana ma-tyempuhan kita minsan. And no, di po ako stalker. :)

-You-prolly-dont-know-me.

firewomyn said...

@You-prolly-dont-know-me - yes! lahat ng train sinasakyan ko, except yung tren sa quirino highway yung hindi elevated. =) baka nga nagkita na tayo e, hindi lang natin alam ;)

Anonymous said...

haha, sana nakipag high5 ka kay lola. pakilala kita sa lola ko, kakantahan ka nya magdamag.

-pola

firewomyn said...

@pola - naks! cool naman ng lola mo :) and you're swerte to still have a lola :)

kitkat said...

ehemm firewomym naloka ako sa blogs mo hahaha kakatuwa..some of them so touching..nung nag meet na tau--at least i got to know you better..glad to meet you "hot firewomyn!!"