7.31.2010
Maulan
Muni-muni habang inaantay si gf para samahan syang magpagupit. Maulan, tuloy tuloy ang patak ng kamalayan at buhos ng damdamin, binabasa ang aking pagkatao.
-----
Ngayon ko lang naisip na siguro kung may straight na nagbabasa ng mga kwento dito, mashashock siguro silang malaman na pareho lang halos tayo sa kanila. Parehong nabubwisit sa traffic, nakikipagsiksikan sa pagcommute, nahihirapan sa trabaho, kinakapos sa pera (kaya laging nakaabang sa sahod. Hehe), nananakawan pa, may isyu sa pamilya (read: dysfunctional), umiibig ng malalim (minsan kahit sa mali), nabibigo, naglalasing hanggang masuka, niloloko, nagpapaloko, nanloloko, naghahanap ng jowa, nakikipaglandian, winawarla ni jowa, gumigimik, nagpaparty, laging horny, tambay ng coffee shop, naiinsecure, naiinggit, nangangarap na magworkout/gym/sports (puro balak na hindi matuloy-tuloy. Haha), naghahanap ng kaibigan/kausap/kainuman/mauutangan, nagkakasakit, sumusugod sa baha, lumalaban kahit pagod na, nadadapa ng paulit-ulit pero paulit-ulit ma bumabangon, umiiyak ng sobra tapos tatawa, nakikipagsapalaran sa mundong hindi patas, nabubuhay para sa ikagiginhawa ng pamilya, umaasam ng pang-unawa, nangangarap ng pagbabago.
Tingnan natin ang tao sa paligid - mga tambay, boss, katrabaho (kupal man o hindi), kaklase (epal man o dedma), kaibigan, sige na, pati kaaway, kapitbahay, magulang (na mahirap ispelengin), kapatid (kahit pasaway), mga bata, matanda (na minsan mga walang pinagkatandaan).
Tayong lahat ay mga taong may mga magkakatulad na pangkaraniwang suliranin at karanasan. Mga tao. Mahalaga pa ba kung babae o lalaki?
Sana mas iangat pa natin ang ating pananaw sa buhay. Tigilan na ang feminism, manism (ano ba tawag pag sa lalaki?). Lahat tayo ay tao. Bago ang lahat, humanism muna.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
isulong ang karapatang pantao! humanism at individualism! lol :p manism = pig. hehe jk! hindi ko ren alam ano yung sa lalaki e, hmmmm... -w1cked
totoo.
pare-pareho lang tayo.
naiinis ako pag nakakarining ako ng komentong:
mas mabuti pa siguro pumatol na lang ako sa tomboy,
para wala akong problema.
Sakit lang ng ulo mga lalake.
Akala ng mga babaeng ganito,
mas madali kasi parehas kayong babae.
mas nagkakaintindihan kasi parehong babae.
mali.
pare-pareho lang tayo ng problema.
nang ttwo time na syota, walang love life, magulong love life, jerk na jowa, pagtaas ng pamasahe, pagbaba ng halaga ng piso, paglaki ng waist line, kapatid, pamilya, magulang, boss na kupal, gwardiyang nagppower trip.
You name it, problema din namin yan.
Plus
discrimination, stereotypes, and the Catholic church.
Kaya sige, kumuha ka ng syotang bakla o tomboy.
Tignan natin kung gagaan ang buhay mo.
@w1cked - hehe. yeah, human rights (everybody's rights). more universal,less division :) how i wish it's that simple.
@Kim - obviously, they don't know us. the saving grace is, they think we have better relps. at least they look at ours more positively :)
Masculism. Yep, sounds like a disease.
Post a Comment