8.05.2010

Ikaw

Hindi ka matangkad
Hindi ka sexy
Dati oo, pero tumaba ka na nung naging tayo
Hindi ka writer
Hindi ka mahilig sa arts
Hindi mo naeenjoy ang hiking
Hindi ka into parties
Hindi ka sensitive *gusto mo straightforward*
Hindi ka girly-girly *mahilig ka lang sa girls*
At hindi ka taga-UP.

So bakit ikaw?
Ang nagpapatawa sa akin
Ang bumubusog sa akin
Ang nagpapaworry sa akin
Ang nagpapasaya sa akin
Ang nagpapasigla sa akin
Ang nakakasakit sa akin *minsan*
Ang lagi kong kasama
Ang hinahanap ng katawan ko.

Hindi ikaw ang gusto ko
Pero ikaw ang mahal ko.


-----
note: you can re-use this piece if you like. just replace the 
  1. first stanza / block with the things you don't really like with your partner or what your partner lacks
  2. second stanza / block with the things you love about your partner (despite of #1)

:) enjoy!

24 comments:

_yle said...

dear firewomyn,
has anyone written about you, the same way you write about your girlfriend? if yes, kindly share the URL :))

firewomyn said...

Dear _yle,
I can only remember two who publicly wrote somethig for me, one was in her blog (can't give the URL sorry), the other was published in a magazine when the guy submitted it. Oist! Magreview ka na! :p

_yle said...

cut me some slack. o siya, afk. bfn.

firewomyn said...

^^good girl! :) treat ko kayo ng gf mo pag engr ka na :)

Anonymous said...

i like this entry makes me think of her ways too. ur state is contagious. yihiiii :) -w1cked

firewomyn said...

@w1cked - haha. Sabi nga ni ate Kris, love, love, love! :)

one_blissful_nomad said...

it's so good to read love notes such as this. :) it's as good as writing one for your love. kakilig. I have some of these writings too, but in my old blog. hehe. i'm still researching on how to import them though.

firewomyn said...

@Blissful Nomad - my original blog is blogspot then I transferred to blog-city, and went back to blogspot. I had a poetry blog before in blog-city that got deleted by them. Major heartache for me then.

Where's your old blog, we can research how to import. Most blogs now have import feature. Would love to see more of your writings :)

pidyot_the_great said...

adik sa cheezyness!!! ikaw na ang inlababo

firewomyn said...

@pidyot the great - haha. Ganun na nga, inlababo. Hindi lang lababo, isama mo na buong kusina! Hehe. Salamat sa pagcommen :)

Anonymous said...

nice! simple lang pero tagos hehe, nabasa naba ni gf? -notsobusy26

Lakwatsera said...

... kay sarap ng may minamahal, ang daigdig may kulay at buhay... =)

ga said...

Naks. May copy pa ako noon yung ibang gawa mo galing blogcity pero nawala rin nong nasira ang lumang desktop pc.

firewomyn said...

@notsobusy26 - thanks! :) aynako, hindi naman nagbabasa yun dito. pero sana nga binabasa nya. :)

@Lakwatsera - at syempre napakanta naman ako sa comment mo. haha. hayy. mush! :)

@ga - akala ko pa naman may natabi ka. yun pala nawala din! lol! ok lang yan, it just gives me more reason to write. ;) thanks for finally dropping a comment! wow! hehe.

Anonymous said...

gagawa din ako ng ganyan... tatalbugan ko ung sayo, hehe... lablablab, im inlab... :) -pola

firewomyn said...

@pola - surely! :) lab na lumalagablab! hehe.

Anonymous said...

napakanta na naman ako ng ganyan mainlaaaaab :) - EphemeralBliss

Anonymous said...

haist, sayang naman kung di nya nabasa, para kang nag- i love u, tapos walang sagot na i love u too kasi di narinig hehe, good morning :) notsobusy26

firewomyn said...

@EphemeralBliss - hehe. duet tayo! gusto ko rin yang song na yan =) ganyan yata talaga ako mainlab at magalit - conflagration! wahaha!

@notsobusy26 - i got confident and told her to read it. kaso nagbackread pa. caused misunderstanding :( i almost wanted to delete the blog/stop writing. good thing naayos din namin agad. HAAAYYY. merits another blog post.

Kim said...

Tititig na lang.

Umaasa.

Na sa iyong mukha ang sagot ay makita.

Ano bang meron at wala ka?

Sinasadya ko ba itong hindi makita?

Gusto ko ng ganito, gusto ko ng ganyan.

Ayaw ko nito, ayaw ko niyan.

Ikaw to.
Ikaw na ganyang di ko gusto.
Ikaw na itong ayaw ko.

Pero ayos lang.

Pwede nang hayaan.

Dahil mahal kita.

Oo, korni, pero mahal kitang talaga.

Balewala na lang kung anong meron at wala ka.

Patuloy sa pagtitig.

Wala na sanang ibang makita.

firewomyn said...

@Kim - soo, it's love. official? :) ttys!

Kim said...

Yes, I love her.

But still not on the level where I could trust her with my heart.

Naks.

Kim said...

ohh anyway, the verses are not for her. i just got inspired with what you wrote.

firewomyn said...

@Kim - it's good that you know (re trust). :)